Vice Ganda, absent sa Grand Finals ng Miss Q and A: "Kagabi pa ko umiiyak.."

Vice Ganda, absent sa Grand Finals ng Miss Q and A: "Kagabi pa ko umiiyak.."

- Naglabas si Vice Ganda ng pahayag kaugnay sa hindi niya pagkakadalo sa Miss Q and A: Kween of the Multibeks ngayong araw

- Ito ay matapos siyang hanapin ng viewers sa mahalagang araw ng patimpalak na para sa mga kapwa niya miyembro ng LGBTQ

- Ani Vice, maging siya ay nalungkot na hindi siya nakadalo dahil hindi siya napayagan dahil sa valid na dahilan na hindi na niya binaggit

- Bukod sa malapit sa kanya ang segment na ito, kinalungkot niyang hindi din niya nagamit ang gown na pinagawa niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ikinalungkot ni Vice Ganda na hindi umano siya napayagang dumalo sa Miss Q and A: Kween of the Multibeks ngayong araw. Ani Vice, maging siya ay nalungkot na hindi siya nakadalo dahil hindi siya napayagan dahil sa valid na dahilan na hindi na niya binaggit.

Read also

Mariel Padilla, nabingi matapos umano magkabutas ang eardrum

Vice Ganda, absent sa Grand Finals ng Miss Q and A: "Kagabi pa ko umiiyak.."
Vice Ganda, absent sa Grand Finals ng Miss Q and A: "Kagabi pa ko umiiyak.." (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Hindi na rin umano siya pumayag na iurong ang grand finals dahil hindi naman para sa kanya kundi para sa mga kalahok ang espesyal na araw ng grand finals.

Bukod sa malapit sa kanya ang segment na ito, kinalungkot niyang hindi din niya nagamit ang gown na pinagawa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Mariel Padilla, malapit na rin umanong ibenta ang mga dress niya

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel