Candy Pangilinan, pinakita ang video ng 19th birthday celebration ni Quentin
- Binahagi ni Candy Pangilinan ang ginanap nilang birthday celebration para sa ika-19 kaarawan ng anak niyang si Quentin
- Kabilang sina John Lapus, Cherry Pie Picache at Maricel Soriano sa mga namataang dumalo sa party
- Bago magsimula ay nagkaroon muna ng misa kung saan nag-serve si Quentin bilang isa sa mga sakristan
- Naiyak naman si Candy habang nagbibigay ng mensahe at nagpasalamat lalo na sa unang teacher ni Quentin na dumalo din sa party
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Emosyonal si Candy Pangilinan nang pasalamatan niya ang unang therapist ng anak niyang si Quentin na aniya ay nakatanggap ng lahat ng sapak at sabunot nang magsimula silang magtherapy. Bukod sa kanyang unang therapist, kabilang sina John Lapus, Cherry Pie Picache at Maricel Soriano sa mga namataang dumalo sa 19th birthday celebration ni Quentin.
Bago pa magsimula ang party ay isang misa ang ginanap kung saan kabilang si Quentin sa nag-serve bilang sakristan.
Marami naman ang humanga sa tiyaga at pagmamahal ni Candy sa anak na may special needs.
Grabe ang effort mo bilang ina Candy hindi matatawaran, kita ang pagod mo pero para kay Q pinapakita mo parin ang kalakasan mo, saludo ako sa iyo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nang magsabi si Mommy Candy na THANK YOU VERY MUCH QUENTIN simple but tagos sa puso ko , medyo naiyak ako.
I've been watching your vlogs during this time of pandemic and I admire Mommy Kends' and the rest of the family's love, patience and acceptance for Q.
Si Maria Carmela Espiritu Pangilinan o mas kilala sa screen name niyang Candy Pangilinan ay isang aktres at komedyante. Ginawaran siya ng parangal bilang best actress sa CineFilipino 2016 at Los Angeles International Film Festival para sa pelikulang Star Na Si Van Damme Stallone.
Matatandaang ibinahagi ni Candy na tinamaan muli siya ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon. Disyembre ng 2020 siya unang tinamaan ng COVID kung saan asymptomatic naman daw siya. Ngunit ngayon, nanghina siya, sumakit ang ulo at katawan at nagkaroon din ng sipon at ubo. Hiling niyang hindi niya nahawa ang iba pa niyang kasama sa kanilang tahanan lalo na ang anak niyang si Quentin at ang kanyang ina.
Matapos niyang ibahagi ang pagpositibo niya sa COVID sa pangalawang pagkakataon, minabuti ni Candy na alamin kung may kasama pa siya sa bahay na tinamaan din ng COVID. Sa kabila kasi ng kanyang pag-iisolate, posibleng mayroon din ang kanyang kasamahan sa bahay dahil nakasalamuha niya ang mga ito bago niya natuklasang may COVID siya. Matapos ang antigen test sa kasamahan niya sa bahay, tanging ang kanyang mommy ang nag-negative ngunit kailangan pa itong kumpirmahin sa pamamagitan ng isa pang test. Kasama ang kanyang anak na si Quentin sa nagpositibo rin sa COVID.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh