Cesar Montano hangad ang kaligayahan ng dating asawang si Sunshine Cruz

Cesar Montano hangad ang kaligayahan ng dating asawang si Sunshine Cruz

- Ani Cesar Montano wala siya sa posisyon para magkomento kaugnay sa napapabalitang paghihiwalay nina Sunshine Cruz at Macky Mathay

- Ngunit aniya, kung anuman at kung meron mang pinagdadaanan si Sunshine ay hangad niyang maging maayos ang lahat para sa dating asawa

- Hangad niya umanong maging maligaya si Sunshine dahil makakaapekto din ito sa mga anak nila

- Matatandaang naroroon din si Macky sa kaarawan ni Sam Cruz kung saan unang nakita ng publiko ang muling pagkakabuo ng pamilya nina Sunshine at Cesar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naitanong kay Cesar Montano ng kaibigan niya at kolumnistang si Dolly Anne Carvajal kung ano ang reaksiyon niya sa post ni Sunshine Cruz sa gitna ng napapabalitang hiwalayang Sunshine at Macky Mathay. Ani Cesar, wala siya sa posisyon para magsalita hinggil dito.

Cesar Montano hangad ang kaligayahan ng dating asawang si Sunshine Cruz
Cesar Montano hangad ang kaligayahan ng dating asawang si Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

Gayunpaman aniya, hangad niyang maging maayos kung mayroon mang pinagdadaanan si Sunshine.

Read also

Camille Prats, binalikan ang pinagdaanan nang mamatay ang unang asawa

Matatandaang nagkaroon din ng ibang karelasyon si Cesar matapos nilang magkahiwalay ni Sunshine. Hangad niya umanong maging maligaya si Sunshine dahil makakaapekto din ito sa mga anak nila.

I am in no position to comment on that since it’s their story and not mine. But whatever Shine is going through, I wish her well. I want her to be happy because her happiness will rub off on our daughters.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isang ulat ng ABS-CBN News, matatandaang inamin ni Sandra Seifert ang pagiging single mother noong July 2020 ngunit hindi nito binanggit ang tungkol sa pagkakakilanlan ng ama ng kanyang anak.

Naiulat din ng Inquirer.net na kasunod ng kanyang pagbahagi ng litrato ni Cesar at ng anak, nilinaw niyang hindi siya ang babaeng nag-viral na lumabas sa isang video ng birthday greeting ng aktor.

Read also

Cesar Montano, masaya sa pagkakaibigan nina Sunshine Cruz at ng gf niya

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niya. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel