Camille Prats, binalikan ang pinagdaanan nang mamatay ang unang asawa

Camille Prats, binalikan ang pinagdaanan nang mamatay ang unang asawa

- Sa vlog ni Rica Peralejo ay nakasama niya si Camille Prats na dati pang malapit sa kanya dahil nakasama niya sa mga TV shows nila noong mas bata pa sila

- Isa sa kanilang napag-usapan ay tungkol sa mga pinagdaanan ni Camille bago pa siya ikasal sa ikalawang pagkakataon

- Ani Camille, wala umano siyang pagsisi sa lahat ng pinagdaanan niya at napagtanto niya ang dahilan kung bakit nabuntis siya nang maaga

- Aniya, marahil ay kahit sa maikling panahon ay maranasan ng una niyang asawa ang maging ama at maging asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Camille Prats ang kanyang mga pinagdaanan noong unang pagkakataon na ikinasal siya. Ani Camille, wala umano siyang pagsisi sa lahat ng pinagdaanan niya at napagtanto niya ang dahilan kung bakit nabuntis siya nang maaga.

Camille Prats, binalikan ang pinagdaanan nang mamatay ang unang asawa
Camille Prats, binalikan ang pinagdaanan nang mamatay ang unang asawa (@camilleprats)
Source: Instagram

Noong una ay naitanong niya umano sa Panginoon kung bakit nangyari sa kanya iyon. Kinalaunan ay napagtanto niyang marahil ay kahit sa maikling panahon ay maranasan ng una niyang asawa ang maging ama at maging asawa.

Read also

Sharon Cuneta, binahagi isang virtual tour sa kanilang farmhouse

Matapos lamang kasi ng ilang buwan matapos silang ikasal ng unang asawa niya ay napag-alaman nila na may cancer pala ito. Noong panahong iyon ay hindi daw siya tumigil sa pagtatrabaho para may maipangtustos sa pagpapagamot ng mister.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami naman ang kinilig sa mensaheng ito ni VJ. Ilan sa mga kasamahan ni Camille sa trabaho kagaya nina Iya Villania, Kim Atienza, Sherilyn Tan at marami pang iba sa nagkomento sa naturang post ni VJ.

Si Sheena Patricia Camille Quiambao Prats–Yambao o mas kilala sa kanyang screen name na Camille Prats ay isang Filipina actress, host, at businesswoman. Siya ang nakababatang kapatid ng aktor at direktor na si John Prats. Isa sa pinaka sumikat niyang pelikula na pinagbidahan niya ay ang Sarah Ang Munting Prinsesa.

Matatandaang naibahagi ni Camille ang isang house tour sa bahay na pinapatayo nilang mag-asawa. Ayon sa kanya ay nakatakda na silang lumipat sa bagong bahay nila. Aniya, hindi naging madali ang kanilang pagpapatayo ng bahay dahil sa mga pinatupad na restrictions dahil sa pandemya.

Read also

MG, ni-real talk si Wilbert Tolentino tungkol sa pakikipag-collab

Sa kanyang kaarawan ay naibahagi ni Camille ang kwento tungkol sa kanila ng kanyang mister na si VJ Yambao. Walong taon umano sila nang unang magkakilala sa kanilang paaralan. Binahagi niya rin ang kanilang class picture noon. Pinasalamatan ni Camille ang mister.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel