Cesar Montano, masaya sa pagkakaibigan nina Sunshine Cruz at ng gf niya

Cesar Montano, masaya sa pagkakaibigan nina Sunshine Cruz at ng gf niya

- Ayon kay Cesar Montano, walang awkwardness ang namuong pagkakaibigan nina Sunshine Cruz at ng kanyang girlfriend na si Kath Angeles

- Sa pakikipag-usap ng batikang kolumnista at malapit niyang kaibigang si Dolly Anne Carvajal, naibahagi ni Cesar na nagganap ang pagkakaayos nila in God's perfect time

- Matatandaang naging positibo ang pagtanggap ng publiko sa muling pagkakabati nila ng dating asawa

- Naganap ito nang magdiwang ng kaarawan ang anak nilang si Sam Cruz kung saan parehas ding naroroon ang kanya-kanya nilang partner

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masaya si Cesar Montano sa nabuong pagkakaibigan ng dating asawa niyang si Sunshine Cruz at ng kanyang girlfriend na si Kath Angeles. Sa pakikipag-usap ng batikang kolumnista at malapit niyang kaibigang si Dolly Anne Carvajal, naibahagi ni Cesar na nagganap ang pagkakaayos nila in God's perfect time.

Cesar Montano, masaya sa pagkakaibigan nina Sunshine Cruz at ng gf niya
Cesar Montano, masaya sa pagkakaibigan nina Sunshine Cruz at ng gf niya (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

Natanong sa kanya ang tungkol sa kanyang reaksiyon na makita sina Sunshine at Kath na magkasama sa kanilang Anilao trip kamakailan.

If only I could have eavesdropped, because most likely, ako ang topic nila (laughs). Kidding aside, it happened in God’s perfect time, so everything feels right. There’s no awkwardness at all.

Matatandaang nagkaroon din ng ibang karelasyon si Cesar matapos nilang magkahiwalay ni Sunshine.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isang ulat ng ABS-CBN News, matatandaang inamin ni Sandra Seifert ang pagiging single mother noong July 2020 ngunit hindi nito binanggit ang tungkol sa pagkakakilanlan ng ama ng kanyang anak.

Naiulat din ng Inquirer.net na kasunod ng kanyang pagbahagi ng litrato ni Cesar at ng anak, nilinaw niyang hindi siya ang babaeng nag-viral na lumabas sa isang video ng birthday greeting ng aktor.

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niya. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel