Gcash QR code sa isang simbahan sa Parañaque, kinagiliwan online
- Viral ngayon ang post ng isang netizen tungkol sa QR code sa isang simbahan sa Parañaque
- Kinagiliwan ito ng netizens lalo na ang pangalan sa GCash Account
- Pagbibiro nila, pati raw umano si 'Lord' ay may digital transfer na rin na malaki ang tulong sa pandemya
- Mabilis na nag-viral ang post na umabot na sa 25,000 likes at 23,000 shares
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Usap-usapan ngayon online ang post ng netizen na si Anfernee Darrel Calazan Lao kung saan ibinahagi niya ang Gcash account ng kanilang simbahan.

Source: UGC
Nalaman ng KAMI na ang naturang simbahan ay ang Our Lady of Unity Parish na Diocese ng Parañaque City.
“Pati si Lord may Gcash na," pabirong caption ni Anfernee.
Isa umano ito sa mga paraan kung paano makapagbibigay ng donasyon sa simabahan.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ang digital digital transfer kasi na tulad ng Gcash ay malaki ang naitulong sa mga cashless transactions sa kasagsagan ng pandemya hanggang sa ngayon.
Samantala, ang naturang post ni Anfernee na kinagiliwan ng marami ay mayroon nang 25,000 likes at 23,000 shares mula nang mai-post ito noong Oktubre 8.
Narito ang ilang mga komento ng naaliw na mga netizens:
"Okay din ito sa mga nasanay na hindi na rin magdala ng cash"
"Ang galing ng idea ah. cashless donations. Isipin natin meron pa rin naman talaga COVID, at isa sa pag-iingat ay yung maghawak ng isang bagay tulad ng pera na mahahawakan din ng ibang tao"
"This is a good idea actually. Wala naman ito sapilitan kaya nga donations e"
"Tama, para kung medyo malaki ang ibibigay mo e diretso sa kanilang account"

Read also
Macky Mathay, binati ni San Juan Mayor Francis Zamora: "Sana bumalik muli ang sikat ng araw sa buhay mo"
Samantala, kahanga-hanga ang naisipang gawin ng isang gurong naglagay ng Classroom Pantry sa kanilang paaralan sa Calamba, Laguna.
Sa pagbubukas ng mga paaralan para sa panuruang taon 2022-2023, nagawa ni Teacher Christian Obo na maglagay ng munting pantry sa kanilang paaralan kung saan makakakuha ng libreng pagkain ang mga batang walang baon.
Base na rin sa kanyang sariling karansan noong siya'y nag-aaral pa, isa rin siya sa mga batang minsa'y walang baon o hindi nakakakain bago pumasok sa paaralan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh