Ogie Diaz, na-curious sa 'trending' na acting ni Barbie Forteza; "panonoorin ko 'yan"

Ogie Diaz, na-curious sa 'trending' na acting ni Barbie Forteza; "panonoorin ko 'yan"

- Tila na-curious umano si Ogie Diaz sa nagtrending na acting ni Barbie Forteza sa serye nitong Maria Clara at Ibarra sa GMA

- Marami kasing netizens ang pumuri sa acting nito kaya naman naintriga siyang panoorin ang naturang serye

- Ito ay para sila rin mismo ang makapagbigay komento sa pinapalakpakang performance ni Barbie

- Bukod kay Barbie, pinuri rin nila ang iba pang mga artistang bumubuo ng programa tulad ni Dennis Trillo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong na-curious sina Ogie Diaz at Mama Loi ng 'Ogie Diaz Showbiz Update' sa umano'y trending na performance ni Barbie Forteza sa programa nilang 'Maria Clara at Ibarra' sa GMA.

Ogie Diaz, na-curious sa 'trending' na acting ni Barbie Forteza; "panonoorin ko 'yan"
Barbie Forteza (@barbaraforteza)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na maraming netizens ang nagbigay puri sa pag-arte ni Barbie dahilan para pag-usapan ito sa Twitter kamakailan.

Dahil dito, nais na mapanood ni Ogie Diaz ang mismong serye upang sila rin ang makasaksi ng pagtatanghal ni Barbie na binibigyang puri ngayon.

Read also

Macky Mathay, binati ni San Juan Mayor Francis Zamora: "Sana bumalik muli ang sikat ng araw sa buhay mo"

"May tinatawag ngayong 'Barbie Forteza Supremacy' dahil sa Twitter nagti-trending itong si Barbie Forteza dahil sa kanyang napakahusay na pagganap sa Maria Clara at Ibarra," pagbabahagi ni Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hindi ko pa yan napapanood pero lagi ko 'yang nakikita sa Twitter ang pagpuri kay Barbie Forteza at mismo sa teleserye na 'yun ng GMA," aniya.

Kahit na sa ibang istasyon umano ang natural programa, nilinaw ni Ogie na wala pa rin naman siyang programa sa ABS-CBN at naroon ang kanyang YouTube channel upang magbigay puri sa mga nararapat na bigyan nito.

"So napakahusay ng kanilang creation, Ang creative ng GMA 7 sa Maria Clara at Ibarra at siyempre nakakaloka ang acting ni Barbie Forteza talagang applauded," dagdag pa niya.

Dahil dito, panonoorin niya umano ang limang episodes nito na mayroon na online.

Read also

Andrew Schimmer sa misis niyang nasa tahanan na nila; "Welcome Home Mommy!"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Ogie Diaz o 'Roger Diaz Pandaan' sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at kilalang showbiz reporter.

Pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang mga YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates".

Tulad na lamang kamakailan kung saan binigyang komento niya ang naging production number ni Toni Gonzaga sa isang episode nito sa ALLTV dahil sa umano'y audio nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel