Macky Mathay, binati ni San Juan Mayor Francis Zamora: "Sana bumalik muli ang sikat ng araw sa buhay mo"

Macky Mathay, binati ni San Juan Mayor Francis Zamora: "Sana bumalik muli ang sikat ng araw sa buhay mo"

- Binati si Councilor Macky Mathay ng Mayor ng San Juan na si Mayor Francis Zamora sa kaarawan nito

- Hiling umano niya na bumalik muli ang sikat ng araw sa buhay ni Councilor Macky

- Nagpasalamat naman ang councilor sa makahulugang pagbati na ito ni Mayor Zamora

- Sa kabila ng paglabas ng balita at mga hugot ni Sunshine sa social media, picture pa rin nilang magkasama ang profile picture ni Macky sa kanyang Instagram

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Councilor Macky Mathay si San Juan Mayor Francis Zamora sa pagbati nito sa kanya. Hiling umano niya na bumalik muli ang sikat ng araw sa buhay ni Councilor Macky.

Macky Mathay, binati ni San Juan Mayor Francis Zamora: "Sana bumalik muli ang sikat ng araw sa buhay mo"
Macky Mathay, binati ni San Juan Mayor Francis Zamora: "Sana bumalik muli ang sikat ng araw sa buhay mo" (@mackymathay)
Source: Instagram

Matapos nga siya nagdiwang ng kanyang kaarawan at walang post si Sunshine Cruz ng pagbati sa kanya, lalong naging usap-usapan ang napabalitang umano'y paghihiwalay nila. Nitong mga nakaraang araw din ay maraming hugot na post si Sunshine na ayon sa mga netizens ay tila may pinagdadaanan nga ang aktres.

Read also

Ogie Diaz, na-curious sa 'trending' na acting ni Barbie Forteza; "panonoorin ko 'yan"

Sa kabila ng paglabas ng balita at mga hugot ni Sunshine sa social media, picture pa rin nilang magkasama ang profile picture ni Macky sa kanyang Instagram.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niya. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel