Raffy Tulfo, nilinaw na hindi prank ang pagdulog ni Herlene Budol sa RTIA

Raffy Tulfo, nilinaw na hindi prank ang pagdulog ni Herlene Budol sa RTIA

- Nilinaw ni Raffy Tulfo na hindi umano prank ang pagdulog ni Herlene Nicole Budol sa kanyang programa

- Hindi tulad ng dati, hindi na maaring gumawa si Tulfo ng prank o ng collaboration sa ibang mga YouTuber dahil sa kanyang bagong trabaho bilang isang senador

- Lumapit kasi si Herlene sa Raffy Tulfo in Action upang ireklamo ang kanyang dating manager bago pa siya mapunta kay Wilbert Tolentino

- Aniya, hindi nito naibigay ang buong talent fee na inaasahan niya at hindi na rin niya ito makausap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

NIlinaw ni Senator Raffy Tulfo na hindi umano prank ang pagdulog at paghingi ng tulong ni Herlere Nicole Budol sa kanyang programang Raffy Tulfo in Action.

Raffy Tulfo, nilinaw na hindi prank ang pagdulog ni Herlene Budol sa RTIA
Senator Raffy Tulfo, nilinaw na hindi prank ang pagdulog ni Herlene Budol sa RTIA
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na dumulog kamakailan ang Binibining Pilipinas 2022 first runner up dahil sa umano'y naging manager niya na si Elizabeth Estrada.

Read also

Herlene Budol, inireklamo sa Raffy Tulfo in Action ang dating manager

Kwento ni Nicole, hindi pa raw naibibigay ni Elizabeth ang kabuuan ng mga talent fee na pawang bayad na sana.

Dahil dito naisip ng ilang netizens na baka prank lamang ito nina Senator Tulfo at ni Herlene na pawang nakilala sa kanilang mga YouTube channel.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Maraming nagsasabing prank, prank, prank. Hindi po ito prank. Hindi po! Seryoso ito. Akala nila e nagko-collab kami ni Nicole at prank. Hindi po, seryoso po ito," pagbibigay diin ni Tulfo na hindi prank ang napapanood ng netizens at talagang nabiktima si Herlene ng kanyang dating manager.

"Hindi na ako pwedeng mag-prank ngayon. Dati pwede, ngayon hindi na. Siguro po maiintindihan niyo kung bakit hindi na ako pwedeng mag-prank dahil nga po sa aking bagong trabaho, hindi na maganda na ako'y papasok sa ganoong klaseng sistema. Seryoso po ito.,"paliwanag ni Tulfo.

Read also

Ice Seguerra, sinabing alam nina Tito, Vic and Joey ang tungkol sa kanyang kasarian mula pagkabata

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel na ibinahagi rin sa wilbert Tolentino:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 24.7 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'. Si Tulfo rin ang isa sa mga bagong halal na senador sa bansa sa natapos na Halalan 2022.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica