Korina Sanchez, proud sa pagiging bibo ng anak na si Pepe

Korina Sanchez, proud sa pagiging bibo ng anak na si Pepe

- Ibinida ni Korina Sanchez ang video ng anak na si Pepe habang binabanggit nito ang pitong kontinente

- Hindi maitago ni Korina ang kanyang pagiging proud sa anak dahil aniya, kahit siya ay hindi kabisado ang mga kontinente

- Marami naman sa mga netizens ang bumilib at naaliw sa binahaging video na ito ni Korina

- Dahil sa kanilang nakakaaliw na mga videos na kadalasang binabahagi ni Korina ay binansagan niya ang mga anak bilang #PambansangPampaGoodVibes

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bumilib si Korina Sanchez sa anak na si Pepe matapos nitong banggitin ang pitong kontinente. Hindi maitago ni Korina ang kanyang pagiging proud sa anak dahil aniya, kahit siya ay hindi kabisado ang mga kontinente.

Korina Sanchez, proud sa pagiging bibo ng anak na si Pepe
Korina Sanchez, proud sa pagiging bibo ng anak na si Pepe (@korina)
Source: Facebook
What a happy surprise for #ProudMama from little Pepe. Kung ako nga di ko memorize ang continents Listen to him go! Happy Sunday Pipol! #TeamPepe #NanayNiPepeEnPilar #PambansangPampaGoodVibes

Read also

Heart Evangelista, kinumpirmang nakabili na siya ng apartment sa Paris

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Korina Sanchez ay isang award-winning Filipina broadcast journalist, newspaper columnist, radio anchor, senior field correspondent, TV news anchor, at magazine show host. Kinaaliwan ng mga netizens ang mga ibinabahagi ni Korina Sanchez na mga litrato at video ng kanyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar. Kamakailan lang ay nagdiwang ang mga ito ng kanilang ikalawang taong kaarawan.

Ibinahagi ni Korina ang kanyang pasasalamat sa Panginoon na hindi siya tinatamaan ng COVID sa kabila ng pagtaas ng kaso ng nagkakaroon nito. Patanong naman ang kanyang pahayag na pinagpala siya dahil sa dami ng kanyang tinutulungan. Dahil dito ay umani ng mga reaksiyon ang kanyang caption na kinalaunan ay pinalitan niya rin dahil aniya sa kanyang "miscalculated words" sa kanyang caption. Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay maraming kilalang mga personalidad ang tinamaan ng COVID kabilang na ang mga kagaya niyang journalists.

Read also

Jason Hernandez, usap-usapan dahil sa kanyang cryptic post

Marami ang naaliw sa video na ibinahagi ni Korina Sanchez sa kanyang Instagram account. Ibinida niya ang kanyang kambal na sina Pepe at Pilar na nakikipag-usap sa kanya gamit ang salitang Ilonggo. Maging si Korina ay nagtanong pa sa kasama nila sa bahay kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng kanyang mga anak. Ang mga magulang ni Mar Roxas ay parehas na Ilonggo na nagmula sa Negros Occidental at sa Roxas, Capiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Ofw
Online view pixel