Jason Hernandez, usap-usapan dahil sa kanyang cryptic post

Jason Hernandez, usap-usapan dahil sa kanyang cryptic post

- Usap-usapan sa online world ang makahulugang post ni Jason Marvin Hernandez sa social media ngayong araw

- Kaugnay ito sa aniya ay totoong pagmamahal niya para sa isang tao kahit pa hindi siya naging totoo

- Umani ng mga komento ang post niyang ito at marami sa mga fans nila ng dating asawang si Moira Dela Torre ang nabuhayan ng loob at umaasang magkakabalikan ang dalawa

- Nitong mga nakaraang araw ay naging usap-usapan ang agaw pansin na pagbabago kay Moira hindi lamang sa kanyang pangangatawan kundi maging sa kagandahan nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpost si Jason Marvin Hernandez ng isang makahulugang mensahe na talaga namang ikinaintriga ng mga netizens. Umani ng mga komento ang post niyang ito at marami sa mga fans nila ng dating asawang si Moira Dela Torre ang nabuhayan ng loob at umaasang magkakabalikan ang dalawa.

Read also

SHS na naglalako ng taho bago magklase, nabiyayaan ng e-bike at sidecar

Jason Hernandez, usap-usapan dahil sa kanyang cryptic post
Jason Hernandez, usap-usapan dahil sa kanyang cryptic post (@jasonmarvinph)
Source: Instagram

Wala itong binanggit na pangalan ngunit hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mensahe niyang ito kay Moira lalo at nabanggit niya sa kanyang pag-amin noon na hindi siya naging matapat kay Moira.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang dati niyang asawang si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre o mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal sila noong January 14, 2019.

Matatandaang marami sa mga fans at tagasuporta ng mag-asawang Jason at Moira ang nalungkot sa paghihiwalay ng dalawa. Ito ay kinompirma ni Jason sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang social media account. Sa kanyang Twitter account ay makikita pa ang hugot nito noong nakaraang linggo tungkol sa hindi pagsuko. Umani ito ng mga reaksiyon at binalikan ng netizens lalo at naging mainit na usapin ang tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Samantala, sa isang Instagram Live video na binahagi ni Moira, marami ang nakapansin na tila malungkot ito at may matinding pinagdadaanan dahil sa kanyang matamlay na reaksiyon. Matapos ang naging pahayag ni Jason ay napagtanto ng mga netizens na may hugot nga ang malungkot na kanta ni Moira sa kanyang IG live. Matatandaang isinapubliko ni Jason ang tungkol sa paghihiwalay nila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel