Heart Evangelista, kinumpirmang nakabili na siya ng apartment sa Paris

Heart Evangelista, kinumpirmang nakabili na siya ng apartment sa Paris

- Ibinahagi ni Heart Evangelista na nakabili na siya ng apartment sa Paris kagaya ng nauna na niyang nabanggit

- Sa kanyang Instagram live ay isa-isang sinagot ni Heart ang mga tanong ng mga netizens sa kanya

- Hindi pa umano siya nakakauwi sa Pilipinas dahil sa kanyang trabaho sa Paris

- Hindi naman lahat ng nabasa niyang katanungan ay sinagot niya dahil mayroon siyang mga nabasang aniya ay ayaw niyang sagutin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Heart Evangelista na isa sa pinakahuling nabili niya sa kanyang pananatili sa Paris ay ang kanyang apartment. Nanatili muna siya doon habang may trabaho siya.

Heart Evangelista, kinumpirmang nakabili na siya ng apartment sa Paris
Heart Evangelista, kinumpirmang nakabili na siya ng apartment sa Paris (@iamhearte)
Source: Instagram

Hindi naman umano niya masabi kung kailan siya makakauwi sa Pilipinas dahil sa kanyang trabaho.

Sa kanyang Instagram live nitong September 28 ay isa-isang sinagot ni Heart ang mga tanong ng mga netizens sa kanya. Hindi naman lahat ng nabasa niyang katanungan ay sinagot niya dahil mayroon siyang mga nabasang aniya ay ayaw niyang sagutin.

Read also

Sharon Cuneta, hindi pinapasok sa Hermes store sa Seoul, South Korea

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel