Sharon Cuneta, hindi pinapasok sa Hermes store sa Seoul, South Korea

Sharon Cuneta, hindi pinapasok sa Hermes store sa Seoul, South Korea

- Binahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea

- Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt

- Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila

- Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pinapasok si Sharon Cuneta sa Hermes store sa Seoul, South Korea kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos niyang mamili ay nadaanan nilang muli ang store kung saan hindi siya pinapasok.

Read also

Jessy Mendiola at Luis Manzano, binahagi ang 4D sonogram ng kanilang baby

Sharon Cuneta, hindi pinapasok sa Hermes store sa Seoul, South Korea
Sharon Cuneta, hindi pinapasok sa Hermes store sa Seoul, South Korea (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

Matapos ang nangyari ay tila hindi naman naging malaking bagay kay Sharon ang hindi pagpapasok sa kanya sa naturang store kung saan balak lang umano sana niyang bumili ng sinturon.

Habang naglalakad ay puring-puri naman ng Megastar ang kapaligiran na malinis at walang masyadong ingay mula sa pagbubusina ng mga sasakyan. Aniya, pangarap niyang maging maayos din ang Pilipinas.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Kamakailan ay inihayag ni Sharon ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga fans na iniuugnay pa rin siya sa pagganap niya bilang Darna. Isang tagahanga niya ang gumuhit ng larawan niya na nakasuot ng costume ni Darna bilang pagpapaalala na naging Darna din ang Megastar. Ikinatuwa ni Ate Shawee na nauugnay pa rin ang pangalan niya sa iconic na Pinoy superhero. Marami sa mga netizens ang nagsabing si Mega ang kanilang paboritong Darna.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Sheree Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw na pumanaw ang kaibigan. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagpanaw ng kaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel