Herlene Budol, binilhan ng tsinelas sina Alex Gonzaga at pamilya nito
- Ani Herlene Nicole Budol, gusto niyang suklian ang ginawa sa kanya ni ALex Gonzaga
- Mahigit isang taon na rin umano ang nakalipas nang bilhan siya ni Alex ng mamahaling sapatos at bag
- Dinala ni Herlene si Alex sa palengke sa lugar nila sa Angono, Rizal at binili ng mga sapatos
- Hindi din kinaligtaan ni Herlene sina Toni Gonzaga, Seve at maging ang mga magulang ni Alex na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Dinala ni Herlene Nicole Budol si Alex Gonzaga sa palengke nila sa Angono, Rizal upang aniya ay masuklian niya ang pagbili ni Alex sa kanya ng sapatos at bag.
Mahigit isang taon na rin umano ang nakalipas nang bilhan siya ni Alex ng mamahaling sapatos at bag ngunit hindi pa rin nito nasusuot ang sapatos.
Hindi din kinaligtaan ni Herlene sina Toni Gonzaga, Seve at maging ang mga magulang ni Alex na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy. maging ang mister ni Alex na si Mikee at pamangkin niyang si Seve ay binilhan din ni Herlene ng tsinelas.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.
Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.
Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.
Source: KAMI.com.gh