Skusta Clee, usap-usapan dahil sa post niya tungkol sa aniya'y nagloko na hindi umamin

Skusta Clee, usap-usapan dahil sa post niya tungkol sa aniya'y nagloko na hindi umamin

- Trending si Skusta Clee matapos ang kanyang nakakaintrigang Facebook post ngayong araw gamit ang kanyang personal na Facebook account

- Sa naturang post ay wala itong binanggit na pangalan ngunit tungkol ito sa aniya'y taong nagloko din ngunit hindi lang umamin

- Ilang oras matapos ang pag-post niya nito ay nasa "popular search" sa Facebook ang pangalang Skusta Clee

- Agad na umani ng samu't-saring reaksiyon at komento ang kanyang post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa post ni Skusta Clee gamit ang kanyang Facebook account na Daryl Ruiz, wala itong binanggit na pangalan ngunit tungkol ito sa aniya'y taong nagloko din ngunit hindi lang umamin. Ilang oras ang makalipas ay napabilang sa "popular search" sa Facebook ang pangalang Skusta Clee.

Skusta Clee, usap-usapan dahil sa post niya tungkol sa aniya'y nagloko na hindi umamin
Skusta Clee, usap-usapan dahil sa post niya tungkol sa aniya'y nagloko na hindi umamin (facebook.com/hoodboycleezy)
Source: Instagram
Nagloko ka din naman ah! Hindi ka nga lang umamin!

Read also

Neri Miranda, hinangaan sa kanyang binahaging bagong investment

Skusta Clee, usap-usapan dahil sa post niya tungkol sa aniya'y nagloko na hindi umamin
Skusta Clee, usap-usapan dahil sa post niya tungkol sa aniya'y nagloko na hindi umamin (@facebook.com/hoodboycleezy)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad na umani ng samu't-saring reaksiyon at komento ang kanyang post. Marami din ang nag-share ng kanyang post na ito.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang pinapakilala sa publiko si Skusta Clee na kanyang karelasyon simula nang maghiwalay sila ni Zeinab Harake.

Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".

Samantala, sa video na nilabas ng content creator na si Makagago, pinanindigan niya ang nauna niyang sinabi na scripted umano ang isyu nina Zeinab Harake at Skusta Clee. Ito ay matapos nga maglabas ng bagong kanta ni Skusta Clee kagaya ng nauna niyang sinabi sa isang video.

Read also

Miss Everything, nagpost tungkol sa pinagdadaanan niya: "I’m a broke again"

Sa naunang post naman ni Skusta Clee sa Facebook, wala itong binanggit na pangalan ngunit may sinabihan ito ng "panget mo sumayaw." Muli siyang napabilang sa popular search sa Facebook kasunod ng kanyang maiksing Facebook post. Simula nang lumabas ang balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Zeinab ay kaagad na umaani ng atensiyon ang kanyang mga social media posts. Sa kanyang unang pahayag ay walang direktang sinabi si Skusta kaugnay kay Zeinab ngunit aniya ay mas natutunan niyang mahalin ang sarili niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel