Misis ni Vhong Navarro na si Tanya, emosyonal na naghayag ng saloobin kaugnay sa kaso na kinakaharap ng asawa

Misis ni Vhong Navarro na si Tanya, emosyonal na naghayag ng saloobin kaugnay sa kaso na kinakaharap ng asawa

- Naiyak si Tanya Bautista-Navarro nang humarap siya sa media upang magbigay ng saloobin kaugnay sa kasong kinakaharap ng kanyang asawang si Vhong Navarro

- Aniya, magkasintahan pa lamang sila ni Vhong noong nangyari ang pagkakasala sa kanya ni Vhong

- Gayunpaman, nasaksihan niya umano kung gaano nagsabi ng totoo sa kanya si Vhong kaya sa kabila ng nagawa nito ay pumayag pa rin siyang magpakasal kay Vhong

- Iginiit niya rin na lalaban siya para sa kanyang asawa na kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI kaugnay sa isinampang kaso ni Deniece Cornejo kaugnay sa umano'y panghahalay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal si Tanya Bautista-Navarro, ang misis ni Vhong Navarro nang humarap siya sa media upang magbigay ng pahayag.

Sa video na binahagi ng Kapamilya Online World Facebook page, sinabi niyang magkasintahan pa lamang sila ni Vhong noong nangyari ang pagkakasala sa kanya ni Vhong ngunit dahil nakita daw niya kung gaano nagsabi ng totoo si Vhong sa kanya kaya siya pumayag na magpakasal kay Vhong.

Read also

Tanya Bautista-Navarro, nag-aalala para sa kaligtasan ni Vhong Navarro

Misis ni Vhong Navarro na si Tanya, emosyonal na naghayag ng saloobin kaugnay sa kaso na kinakaharap ng asawa
Misis ni Vhong Navarro na si Tanya, emosyonal na naghayag ng saloobin kaugnay sa kaso na kinakaharap ng asawa (@vhongx44)
Source: Instagram

Maging ang ilang kasamahan ni Vhong sa industriya ay nagpahayag ng kanilang suporta sa TV host-comedian. Kabilang sa mga naghayag ng kanilang suporta kay Vhong ay mga kasamahan niya sa It's Showtime at mga kagrupo niyang Streetboys.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista sa Kyoto, Japan, noong November 28, 2019.

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, binahagi ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Read also

Cedric Lee sa pagkakakulong ni Vhong Navarro: “He can't hide anymore"

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro nitong araw kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong ang na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel