Tanya Bautista-Navarro, nag-aalala para sa kaligtasan ni Vhong Navarro

Tanya Bautista-Navarro, nag-aalala para sa kaligtasan ni Vhong Navarro

- Aminado si Tanya Bautista-Navarro na nababahala siya para sa kaligtasan ni Vhong Navarro lalo na pag nalipat na umano siya sa Taguig

- Nauna nang lumabas na hiniling ng kampo ni Deniece Cornejo na kaagad na ipiit sa Taguig City Jail ang TV host dahil doon ito nakatakdang litisin

- Sa kabila ng kanyang pangamba, buong tapang na sinabi ng maybahay ni Vhong na lalaban sila at maipapanalo umano nila ang kaso

- Nabanggit din nito sa video na binahagi ni MJ Marfori na suportado ng dokumento at ebidensiya ang naging salaysay ni Vhong noon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nababahala si Tanya Bautista-Navarro sa kaligtasan ni Vhong Navarro kapag nalipat na umano ito sa Taguig. Naibahagi niya ito sa kanyang pahayag na inilabas nang makaharap niya ang press kabilang na ang reporter na si MJ Marfori. Nauna nang lumabas sa balita na hiniling ng kampo ni Deniece Cornejo na kaagad na ipiit sa Taguig City Jail ang TV host dahil doon ito nakatakdang litisin.

Read also

Vice Ganda, inamin na gusto niyang magkaroon ng sariling anak

Tanya Bautista-Navarro, nag-aalala para sa kaligtasan ni Vhong Navarr
Tanya Bautista-Navarro, nag-aalala para sa kaligtasan ni Vhong Navarro (@vhongx44)
Source: Instagram
“Lalaban kami, may case na, e. Lalaban kami at alam ko mapapanalo namin ‘to. But for the meantime, at least yung security niya, natatakot ako for him pag malipat siya sa Taguig.”

Nabanggit din nito sa video na binahagi ni MJ Marfori na suportado ng dokumento at ebidensiya ang naging salaysay ni Vhong noon kaya ipinagtataka niya kung ano ang nakitang probable cause kaya muling nabuksan ang kaso.

“Suported yun ng mga documents or sa kung anumang ebidensiya na ibinigay namin. So, hindi ko alam kung anong nakikita nilang probable cause.”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Read also

Vhong Navarro, sinabing napatawad na si Deniece Cornejo

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, binahagi ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro nitong araw kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong ang na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel