Vhong Navarro, sinabing napatawad na si Deniece Cornejo

Vhong Navarro, sinabing napatawad na si Deniece Cornejo

- Ayon kay Vhong Navarro, napatawad niya na sina Deniece Cornejo sa mga nangyari ilang taon na ang nakakalipas

- Ani Vhong, handa siyang makipag-ayos ngunit mahirap lang na may gagawin siya kagaya na lang ng mag-public apology siya dahil aniya ay parang inamin niya na ginawa nga niya ang binibintang umano sa kanya

- Hindi pa umano umabot sa puntong nakipag-usap sa kanya ang kabilang kampo para makapag-ayos sila

- Napag-uusapan umano nina Vhong at ng kanyang legal team ang posibilidad na makapag-usap sila ng kabilang kampo para maayos na lang ang problema

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napatawad na umano ni Vhong Navarro sina Deniece Cornejo kahit hindi pa sila pormal na nakapag-usap tungkol sa mga nangyari. Sa panayam ni Nico Baua, sinabi ni Vhong na handa siyang makipag-ayos ngunit mahirap lang na may gagawin siya kagaya na lang ng mag-public apology siya dahil aniya ay parang inamin niya na ginawa nga niya ang binibintang umano sa kanya.

Read also

Vhong Navarro, nagpasalamat sa kanyang mga fans na nagpakita ng suporta

Vhong Navarro, sinabing napatawad na si Deniece Cornejo
Vhong Navarro, sinabing napatawad na si Deniece Cornejo (@vhongx44)
Source: Instagram

Bukas naman umano ang kampo nila sa pakikipag-usap at napag-uusapan umano nina Vhong at ng kanyang legal team ang tungkol sa bagay na ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, binahagi ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro nitong araw kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong ang na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel