Vhong Navarro, nagpasalamat sa kanyang mga fans na nagpakita ng suporta

Vhong Navarro, nagpasalamat sa kanyang mga fans na nagpakita ng suporta

- Nagpasalamat si Vhong Navarro sa mga fans niya na patuloy na sumusuporta sa kanya sa gitna ng kanyang pinagdadaanang pagsubok

- Sila umano ang nagpapalakas ng loob ni Vhong sa gitna ng mga kinakaharap niya sa kasalukuyan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa panayam sa kanya ni Niko Baua, sinabi ni Vhong na patuloy siyang magtatrabaho at tuloy na lalabas sa 'It's Showtime'

- Alam niya umanong binigay na talent ng Panginoon sa kanya na makapagpasaya ng mga tao at iyon din daw ang gusto niyang gawin

Pinasalamatan ni Vhong Navarro ang mga sumuporta at patuloy na naniniwala sa kanya sa gitna ng pagsubok na kanyang pinagdadaanan. Sa panayam sa kanya ni Niko Baua, sinabi ni Vhong na patuloy siyang magtatrabaho at tuloy na lalabas sa It's Showtime.

Vhong Navarro, nagpasalamat sa kanyang mga fans na nagpakita ng suporta
Vhong Navarro, nagpasalamat sa kanyang mga fans na nagpakita ng suporta (@vhongx44)
Source: Instagram

Aniya, naniniwala siyang bigay ng Panginoon sa kanya ang talento na makapagpasaya ng mga tao at iyon din umano ang gusto niyang gawin.

Read also

Vhong Navarro, mananatili sa kustodiya ng NBI kasunod ng paglabas ng ikalawang arrest warrant

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang mensahe sa kanyang mga tagasuporta na aniya ay nagpapalakas ng loob niya, sinabi sana ay huwag magsawa ang mga ito sa pagsuporta sa kanya.

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, binahagi ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Read also

Vhong Navarro, sinabing napatawad na si Deniece Cornejo

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro nitong araw kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong ang na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel