Vhong Navarro, nagbahagi ng car tour sa kanyang customized van

Vhong Navarro, nagbahagi ng car tour sa kanyang customized van

- Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong Navarro ng bagong video sa kanyang YouTube channel

- Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans

- Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize

- Sa kanyang vlog, binahagi ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinasilip ni Vhong Navarro ang kanyang customized van sa pamamagitan ng car tour na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel. Sa kanyang vlog, binahagi ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Read also

Zeinab Harake, hindi napigilan ang emosyon sa pinakabagong vlog

Vhong Navarro, nagbahagi ng car tour sa kanyang customized van
Vhong Navarro (@vhongx44)
Source: Instagram

Matapos nga ang matagal na panahon na hindi na siya nakakapag-upload ng bagong YouTube video, isang car tour ang binahagi ni Vhong. Aniya, second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize.

Binahagi din ng TV host ang itsura ng kanyang van noong nabili niya ito bago pa niya ito ipagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga viewers sa kanyang pinakabagong YouTube video.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang kulit mo talaga Kuys.Ang dami mong jokes na dala lagi Kahit car tour lang to pero tawang tawa ako say. By the way Ang sosyal Ng car mo Ang Ganda,napakalinis at grabe sobrang cute❤️Talaga Naman❤️More vlog to come pa Kuys❤️God bless you and keep safe always and your family also.

Read also

Francine Diaz, pinag-shopping ang kanyang dalawang malapit na kaibigan

Yun oh!! pinakainaabangan na car tourmay special mention sa tnt kanina kaya sinearch ko and now nanonood ako hahahaha i love the car kuys!
Ayan nagbabalik na cya, keep going idol Vhongskie, more and more vlogs to come please.

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Kamakailan, naging usap-usapan ang reaksiyon ni Vhong sa "Eat Bulaga" kaugnay sa mga pagbabago sa nasabing noontime show sa gitna ng pandemya.

Kagaya ng karamihan sa mga artista, hindi din nakaligtaan ni Vhong at asawa nitong si Tanya na tumulong sa mga frontliners.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel