Buboy Villar, aminadong sobrang laki ng tulong ni Marian Rivera sa career nya

Buboy Villar, aminadong sobrang laki ng tulong ni Marian Rivera sa career nya

- Nagpasalamat si Buboy Villar kay Marian Rivera dahil sa malaking bahagi nito sa kanyang buhay

- Naging malaking tulong umano ito at ang kanilang direktor sa unang show nila pagdating sa kanyang career

- Naibahagi niya rin na mula sa pagiging mag-ate ay magkumare na umano sila ni Marian

- Matatandaang una silang nagkasama sa teleseryeng “Dyesebel" na aniya ay naging simula ng kanyang career bilang si Buboy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ni Buboy Villar sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas na malaki ang naitulong ni Marian Rivera sa kanyang buhay at sa kanyang career. Matatandaang una silang nagkasama sa seryeng "Dyesebel."

Buboy Villar, aminadong sobrang laki ng tulong ni Marian Rivera sa career nya
Buboy Villar, aminadong sobrang laki ng tulong ni Marian Rivera sa career nya (@buboyvillar)
Source: Instagram
“Doon 'yung parang first click ko talaga na show eh. Kung hindi dahil sa kanya at sa direktor naming si Direk Joyce (Bernal), sa pagtiwala niya sa 'kin, hindi talaga mabubuo itong Buboy.”

Read also

Ivana Alawi, excited na sa gagawing MMFF movie nila ni Vice Ganda

Naibahagi niya rin na mula sa pagiging mag-ate ay magkumare na umano sila ni Marian. Pinasalamatan niya ito sa aniya'y sobrang laking tulong nito sa kanya.

“Thank you, Ate Yan, kasi sobrang laki ng tulong at part mo sa buhay ko kasi ikaw 'yung naging ate ko no’n eh. Lalo na ngayon. Actually, mag-kumare kami. From mag-ate to mag-kumare,”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel