Kiko Matos: "Di bale ng walang buhok basta may FB"
- Tuloy-tuloy si Kiko Matos sa kanyang mga pasaring sa kanyang post kaugnay sa nangyari sa social media accounts ni Rendon Labador
- Sa kanyang Facebook post ay nagbahagi siya uli tungkol sa pagkawala ng Facebook
- Aniya, di bale nang wala siyang buhok ang mahalaga ay mayroon siyang FB
- Bumati din siya sa netizens maliban lang daw kay Rendon dahil wala itong FB
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinaaliwan si Kiko Matos sa kanyang mga hirit kaugnay sa pagkawala ng Facebook page ni Rendon Labador. Sa isang post niya ay nabanggit niyang, di bale nang wala siyang buhok, basta may Facebook.
Sa isang pa niyang post ay bumati siya ng magandang umaga sa lahat maliban lang daw kay Rendon dahil wala naman itong FB.
Good morning, Pilipinas! Except kay RENDON Labador kasi wala syang PEYSBUK!
Bukod dito ay may video din siyang ginawa na pasimple ang pang-aasar sa dati niyang nakatunggali sa Battle of The YouTubers.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, nabanggit ni Rendon sa kanyang Instagram account na maging ang kanyang Instagram ay nakatanggap na rin ng warning. Sunod-sunod ang pagkawala ng social media account niya nitong mga nakaraang araw na nagsimula sa TikTok hanggang sa Facebook at Twitter.
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Matatandaang hinamon ni Kiko Matos ang influencer na si Rendon para sa isang one-on-one. Nasabi na rin nito sa isang video na handa siyang magdemanda sa tinaguriang motivational speaker. Kaugnay ito sa pagsapak sa kanya ni Rendon pagkatapos ng basketball match ni Rendon at isa pang YouTuber. Si Kiko ay naroroon din sa venue para magsilbing commentator sa nasabing match.
Matapos ang pag-viral ng pagsampal niya kay Kiko Matos, naglabas ng kanyang pahayag si Rendon. Nilinaw niyang walang kinalaman ang lahat ng affiliations niya at mga produktong iniendorso niya. Naiintindihan niyang karapatan ni Kiko na magdemanda dahil sa kanyang nagawa sa naganap na Battle of the YouTubers: Rendon vs. Jonah. Hindi niya umano pino-promote ang violence at hindi siya proud sa kanyang ginawa ngunit nais niyang ibahagi ang mensahe sa mga tao na huwag hayaang tapakan ng ibang tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh