Vice Ganda, umalma sa balitang nagka-iringan umano sila ni Marian Rivera

Vice Ganda, umalma sa balitang nagka-iringan umano sila ni Marian Rivera

- Umalma si Vice Ganda sa isang balita kung saan nagsasabing natuldukan na umano ang isyu ng iringan nila ni Vice Ganda at Marian Rivera

- Ito umano ay matapos silang makitang magkasama at sweet na sweet sa isang party na naganap

- Kinuwestiyon ito ni Vice at tinawag ding pauso ang mga ito sa nilabas nilang balita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa naganap na Preview Ball, tahasang sinabi ni Vice Ganda na si Marian daw ang most beautiful sa lahat

Umalma si Vice Ganda sa lumabas na balita na umano'y nagkaroon sila ng isyu ng iringan ni Marian Rivera. Sa naganap na Preview Ball, tahasang sinabi ni Vice Ganda na si Marian daw ang most beautiful sa lahat.

Vice Ganda, umalma sa balitang nagka-iringan umano sila ni Marian Rivera
Vice Ganda, umalma sa balitang nagka-iringan umano sila ni Marian Rivera (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa kanyang Twitter account, nilabas ni Vice Ganda ang kanyang pagkdismaya sa naturang balita na aniya ay "pauso" at "mema."

Read also

Seth Fedelin sa komentong para umano siyang si Daniel Padilla: "Minsan gusto ko na silang sagutin"

Ha??????!!!!!!!!!!! San galing ang balitang to?????? Nagkaissue kami? Iringan??!!!!! Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kasalukuyan ay burado na ang naturang link ng balita sa Twitter.

Tinawag niya din itong Clickbait at fake news.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Seth Fedelin, malaki ang pasasalamat sa ama na naging daan para siya'y maging artista

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niyaumano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel