Seth Fedelin sa komentong para umano siyang si Daniel Padilla: "Minsan gusto ko na silang sagutin"

Seth Fedelin sa komentong para umano siyang si Daniel Padilla: "Minsan gusto ko na silang sagutin"

- Nagbigay pahayag si Seth Fedelin kaugnay sa madalas na komento sa kanyang para umano siyang si Daniel Padilla

- Aminado si Seth na minsan, nais na niyang sagutin ang ilang netizens lalo na umano ang mga nagsasabing ginagaya niya talaga ang aktor

- Ayon naman kay Seth, bagama't natutuwa siyang mabansagang "Daniel Padilla Jr.", malaki pa rin umano ang pagkakaiba nilang dalawa

- Gayunpaman, pinasalamatan din ni Seth ang mga taong nakaka-appreciate umano sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napag-usapan nina Ogie Diaz at Seth Fedelin ang komento sa aktor na para na umano itong si Daniel Padilla.

Seth Fedelin sa komentong para umano siyang si Daniel Padilla: "Minsan gusto ko na silang sagutin"
Photo: Seth Fedelin
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na tila isa itong compliment para kay Seth, aminadong ang iba ay nakapagsasabing tila ginagaya na niya ang kanyang "Kuya DJ."

"Happy po ako na nako-compliment ako ng maganda. Pero yung iba, sinasabi na ginagaya ko daw. Na pati 'yung sapatos ni Seth, mahilig siya sa ganu'ng sapatos lang 'e si DJ mahilig din sa sapatos na ganu'n," ani Seth.

Read also

Cristy Fermin, nagbabala sa nagkalat na fake news ukol kay Kris Aquino: "Mag-ingat po tayo"

"'E sa'kin naman minsan gusto ko silang sagutin. Siya lang ba pwedeng magsuot ng ganu'n? Siya lang ba pwede gumawa ng gano'n?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Paliwanag niya, hindi raw niya ginagaya ang kapwa aktor at sinabing malaki pa rin umano ang pagkakaiba nila.

"Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko siya ginagaya. 'Pag nasa loob ako ng bahay, 'pag nagba-vlog ako, ito ako. 'Pag kausap ko ang mga tao, ito ako."
"Actually nga 'pag tumayo si Kuya DJ napaka-manly niya po tingnan. At ako po hindi gano'n, mukha po akong totoy promise."

Aminado si Seth na nakararamdam umano siya ng inis dahil dito, subalit pinasasalamatan din naman ang mga taong nakaka-appreciate sa kung ano ang nakikita ng mga ito sa kanya.

"Hindi ako nahu-hurt. Naiinis... Ang dami nilang sinasabi. Kasalanan ko po ba na nakikita niyo siya sa akin? Siguro po hindi ko po kasalanan. Maraming salamat po sa ibang nakaka-appreciate. Maraming salamat po sa nagko-compliment."

Read also

Jayjay Helterbrand, ibinistong gustong-gusto ni RR Enriquez ang mga bashers; "She likes it"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Seth Fedelin ay isang aktor sa Pilipinas na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother. Mas nakilala siya nang maging bahagi ng afternoon serye na 'Kadenang Ginto' kung saan kasama niya sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri. Binansagan silang 'Gold Squad.'

Samantala, pinakaaabangan naman linggo-linggo ang mga itinatampok ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz inspires kung saan nakakapanayam niya ang iba't ibang mga kilalang personalidad. Gayundin ang kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update kung saan naman mapapanood ang mga latest chika tungkol sa mga artista sa bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel