Herlene Budol, humiling sa netizens na huwag nang i-bash si Miss Manila
- Hiniling ni Herlene Nicole Budol na tigilan na ang pang-ba-bash kay Miss Manila Alexandra Abdon
- Aniya, naiintindihan niyang nadadala lang ng kanilang emosyon ang mga sumusuporta sa kanya ngunit aniya ay sana mabigyan ng pagkakataon si Miss Manila
- Inihingi niya rin ng dispensa kay Miss Manila ang mga supporters niya na nagbabash kay Alexandra
- Sa kasalukuyan ay burado na ang naturang video ngunit mayroong mga nakakuha ng kopya nito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hiniling ni Herlene Nicole Budol mula sa kanyang fans at supporters na tigilan na ang pang-ba-bash kay Miss Manila Alexandra Abdon. Inihingi niya rin ng dispensa kay Miss Manila ang mga supporters niya na nagbabash kay Alexandra.
Ayon kay Herlene, naiintindihan niyang nadadala lang ng kanilang emosyon ang mga sumusuporta sa kanya ngunit aniya ay sana mabigyan ng pagkakataon si Miss Manila. Nabanggit niya rin na nagbati na rin naman sila ni Miss Manila.
Dagdag pa niya mas maganda sana kung nasabihan siya para kinalmahan niya lang ang reaksiyon niya. Naniniwala siyang pwedeng magbago ang tao kaya aniya ay sana tigilan na ang pangbabash kay Alexandra.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.
Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.
Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.
Source: KAMI.com.gh