Bugoy Cariño, pabirong kinompronta ni EJ Laure kaugnay sa viral picture niya

Bugoy Cariño, pabirong kinompronta ni EJ Laure kaugnay sa viral picture niya

- Kinaaliwan si Bugoy Cariño sa kanyang reaksiyon matapos siyang pabirong komprontahin ng partner niyang si EJ Laure kaugnay sa nag-viral niyang video

- Iginiit nitong hindi umano siya tumitingin sa ibang babae at tanging si EJ lang umano ang mahal niya

- Matatandaang sa kanyang pagpunta kamakailan sa isang bayan sa Iloilo, nag-viral ang ilan sa kanyang picture na binahagi ng ACE.EM Photography

- Kuha ito sa isang basketball match sa bayan ng Pototan kung saan isa si Bugoy sa naglaro bilang bahagi ng celebrity team

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang video nina Bugoy Cariño at EJ Laure kung saan pabirong kinompronta ni EJ tungkol sa kanyang viral pictures na naibahagi sa ACE.EM Photography Facebook page. Iginiit nitong hindi umano siya tumitingin sa ibang babae at tanging si EJ lang umano ang mahal niya.

Read also

Jane De Leon, nagpaliwanag tungkol sa snubbing issue

Bugoy Cariño, pabirong kinompronta ni AJ Laure kaugnay sa viral picture niya
Bugoy Cariño, pabirong kinompronta ni AJ Laure kaugnay sa viral picture niya (@iambugoycarino03)
Source: Instagram

Ani EJ, may mga nag-ta-tag sa kanya sa mga pictures kung saan tumitingin umano siya sa isang babae. Katwiran ni Bugoy, iba umano ang kanyang jersey number.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Panuorin ang kabuoan ng video dito:

Si Bugoy Cariño ay tinanghal na grand winner ng Star Circle Kid Quest, isang talent search sa ABS-CBN. Naging bahagi rin siya ng youth-oriented comedy show na Goin' Bulilit. Kalaunan ay naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags sa noontime show na It's Showtime. Si EJ Laure naman ay isa sa pinakasikat na volleyball player ng University of Santo Tomas Golden Tigresses.

Matatandaang buong tapang na inamin ni Bugoy na unang plano nila sa kanilang anak ng dating volleyball star na si EJ. Dala ng kabataan, naisip daw talaga nilang ipatanggal na lang sana ang nasa sinapupunan ng kanyang girlfriend. Subalit dala ng matinding pagdarasal at pagkausap sa kanyang ama, hindi na ito naipagawa ni Bugoy kay EJ. Ngayon, masayang-masaya silang mag-anak kasama ang tatlong taong gulang na nilang anak na si Scarlet.

Read also

Bianca King, buntis na sa unang anak nila ng mister na si Ralph Wintle

Sa kabila ng mga pinagdaanan ng dating child star, masasabing unti-unti na raw siyang nakabangon. Matatandaang naging batang ama si Bugoy, dahilan upang mawalan umano siya ng mga proyekto sa showbiz. Subalit ngayon, nabigyan pa niya ng negosyo ang ama at maayos din ang kinikita niya sa pag-FB stream niya ng kanyang laro. Aniya, tila mas malaki pa nga raw ang sinasahod niya ngayon kaysa noong nag-aartista pa siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel