Jaya at kanyang pamilya, nakatanggap ng mga blessings matapos masunugan

Jaya at kanyang pamilya, nakatanggap ng mga blessings matapos masunugan

- Binahagi ni Jaya na matapos ang pagkasunog ng kanilang bahay ay nakatanggap ang kanilang pamilya ng panibagong blessings

- Sa kanyang post ay naibahagi niya ang pagkaka-approve ng home application nila at pagkakatanggap sa trabaho ng kanyang mister

- Naibahagi niya rin ang kanyang performance sa isang concert anim na araw matapos ang nangyaring sunog

- Aniya, ang pagkanta niya sa harap ng maraming tao ay nakatulong sa kanya na maging masaya at makalimutan ang kalungkutan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Jaya ang sunod-sunod na mga biyayang natanggap ng kanilang pamilya matapos ang nangyaring sunog sa kanilang bahay. Sa kanyang post ay naibahagi niya ang pagkaka-approve ng home application nila at pagkakatanggap sa trabaho ng kanyang mister.

Jaya at kanyang pamilya, nakatanggap ng mga blessings matapos masunugan
Jaya at kanyang pamilya, nakatanggap ng mga blessings matapos masunugan (@jaya)
Source: Instagram

Bukod dito ay nakapag-perform siya sa concert anim na araw matapos ang sunog. Aniya, ang pagkanta niya sa harap ng maraming tao ay nakatulong sa kanya na maging masaya at makalimutan ang kalungkutan.

Read also

Basel Manadil, emosyonal sa pagkasilang ng kanyang anak

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

So, this was the Freestyle Concert last Aug. 12, 6 days after we lost our home. Singing in front of thousands of people made me forget my sadness.

Pinasalamatan din niya ang audience para sa shoutout para sa kanyang anak.

And we surprised Sabriya with a shoutout from the audience, as you will see on a video when you swipe. Thanks to the Freestyle fans for giving my kid a shoutout!

Si María Luisa Ramsey-Gotidoc o mas kilala sa kanyang screen name na Jaya ay isang Pinay soul singer, rapper, record producer, actress at presenter. Anak siya ng mang-aawit at komedyanteng si Elizabeth Ramsey.

Matatandaang kamakailan ay naibahagi ni Jaya ang tungkol sa pagkatupok ng bahay nila sa US. Binahagi niya ang picture ng kanilang bahay na nasunog. Gayunpaman, nagpapasalamat siyang sa kabila ng nangyari ay ligtas sila ng kanyang pamilya. Matatandaang nagtungo sa US upang manirahan ang mang-aawit kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.

Read also

Solenn Heussaff, nag-countdown sa kanyang pag-injection araw-araw

Matapos ang pagkasunog ng kanilang bahay, marami sa mga kasamahan ni Jaya sa showbiz ang nag-alala para sa mang-aawit. Sa kabila ng nangyari ay naging positibo ang tugon nilang mag-anak sa nangyari. Bago tuluyang umalis para maghanap ng panibagong bahay na matitirhan, nakapagpaalam naman umano sina Jaya sa kanilang mga kapitabahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel