Vice Ganda, pinag-sorry si Ruffa Gutierrez sa nabanggit nitong salita

Vice Ganda, pinag-sorry si Ruffa Gutierrez sa nabanggit nitong salita

- Nag-sorry si Vice Ganda sa salitang nabitawan ni Ruffa Gutierrez sa live streaming ng It's Showtime na napapanood na rin sa telebisyon

- Agad na sinabi ni Vice na sobrang masaya lang si Ruffa kaya niya nabanggit ang naturang salita na hindi akma sa telebisyon

- Humingi din kaagad ng dispensa si Ruffa dahil aniya ay hindi naman niya alam na bawal iyon

- Matatandaang kamakailan ay maagap ding pinuna at inihingi ng dispensa ni Vice ang nasabi ng isang kalahok sa Miss Q&A

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad na inihingi ng dispensa ni Vice Ganda ang nabanggit ni Ruffa Gutierrez sa Miss Q&A segment ng It's Showtime. Pinag-sorry din siya ni Vice sa kanyang nasabi na hindi angkop na sabihin lalo at napapanood sila sa telebisyon.

Vice Ganda, pinag-sorry si Ruffa Gutierrez sa nabanggit nitong salita
Vice Ganda, pinag-sorry si Ruffa Gutierrez sa nabanggit nitong salita (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Agad namang nag-sorry si Ruffa at nagsabing hindi niya alam na bawal pala iyon sabihin. Nabanggit niya iyon nang nakikipagbiruan kay KaladKaren Davila na pinuna ang suot niyang pink na damit.

Read also

Nag-viral na ka-look-alike ni Jericho Rosales, isa na umanong product endorser

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kamakailan ay pinasalamatan si Vice Ganda ng isa sa mga Miss Q&A contestant matapos ang nagawa nitong pagkakamali. Pinuntahan umano siya ni Vice sa dressing room para i-comfort dahil sa kanyang mga nabanggit na salita sa kanyang introduction na bawal sabihin lalo na sa telebisyon. Agad siyang pinagsabihan ni Vice matapos ang kanyang pagsasalita lalo at iba naman umano ang sinabi nito sa kanilang rehearsal. Katwiran ng contestant, dinagdag lamang umano niya ngunit humingi din siya kaagad ng dispensa.

Samantala, sa pagpanaw ni Cherie Gil, muling binalikan ng netizens ang madamdaming paghingi niya ng dispensa kay Vice Ganda. Naganap ito sa It's Showtime kung saan si Cherie ang isa sa mga naging hurado sa mga performance ng It's Showtime hosts. Kaugnay ito sa naging tweet ni Cherie kay Vice kaugnay sa paraan ng pagpapatawa nito sa kanyang naging concert na "I-Vice Ganda mo ako sa Araneta." Sa naturang video ay pinasalamatan ni Cherie si Vice dahil sa kanyang pagbibigay ng pagkakataon na makilala niya ang totoong ugali ni Vice.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel