Herlene Budol, pasok sa Top 12 ng Binibining Pilipinas 2022

Herlene Budol, pasok sa Top 12 ng Binibining Pilipinas 2022

- Pasok si Herlene Nicole Budol ng Angono, Rizal sa Top 12 ng Binibining Pilipinas 2022

- Sa kanyang binahaging speech matapos matawag bilang bahagi ng Top 12, bukod tangi si Herlene na nagsalita sa wikang Tagalog

- Ramdam naman ang matinding suporta sa kanya ng kanyang mga fans sa audience nang maghiyawan ang mga ito

- Ibinahagi ni Herlene ang mensahe niya tungkol sa natutunan niyang pagkakaisa para sa bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pasok si Herlene Nicole Budol sa Top 12 ng Binibining Pilipinas 2022. Sa kanyang binahaging speech matapos matawag bilang bahagi ng Top 12, bukod tangi si Herlene na nagsalita sa wikang Tagalog.

Herlene Budol, mariing pinabulaanan ang malisyosong espikulasyon kay Wllie Revillame
Herlene Budol, mariing pinabulaanan ang malisyosong espikulasyon kay Wllie Revillame (@herelene_budol)
Source: Instagram

Ibinahagi ni Herlene ang mensahe niya tungkol sa natutunan niyang pagkakaisa para sa bansa na aniya ay natutunan niya kay Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ramdam naman ang matinding suporta sa kanya ng kanyang mga fans sa audience nang maghiyawan ang mga ito nang tawagin ang kanyang pangalan.

Read also

Herlene Nicole Budol, nasungkit ang Manila Bulletin Reader's Choice Award

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ngayong gabi, July 31, 2022 naktakdang ganapin ang pinakainaabangang coronation night ng Binibining Pilipinas. Hindi pa man natatapos ang pageant, bumuhos na ang suporta kay Herlene lalo at kilala siyang malapit sa masa dahil na rin sa pagkabilang niya sa programa ni Willie Revillame.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos. Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.

Marami ang namangha sa transformation ni Herlene matapos niyang sumali sa Bb. Pilipinas. Kabilang siya sa mga 40 na kalahok na masuwerteng nakapasok sa naturang pageant. Matatandaang dahil hindi siya bihasa sa pagsasalita sa English ay sinabi niyang Tagalog ang gagamitin niya kapag siya ay sasagot sa mga katanungan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate