Herlene Nicole Budol, nasungkit ang Manila Bulletin Reader's Choice Award

Herlene Nicole Budol, nasungkit ang Manila Bulletin Reader's Choice Award

- Nasungkit ni Herlene Nicole Budol ang Manila Bulletin Reader's Choice Award sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2022

- Isa siya sa anim na mga kandidatang nakatanggap ng special awards sa naturang pageant

- Makikita naman ang mainit na suporta ng kanyang mga fans para kay Herlene na naroroon sa Smart Araneta Coliseum

- Nanalo naman ng Best in Talent si Isabela "Lala" Vinzon, ang anak ng action star na si Roi Vinzon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nanalo si Herlene Nicole Budol ng isa sa mga minor awards sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum ngayong gabi. Nasungkit ni Herlene ang Manila Bulletin Reader's Choice Award

Herlene Nicole Budol Herlene Nicole Budol Herlene Nicole Budol Herlene Nicole Budol
Herlene Nicole Budol, nasungkit ang Manila Bulletin Reader's Choice Award (@herelene_budol)
Source: Instagram

Makikita naman ang mainit na suporta ng kanyang mga fans para kay Herlene na naroroon sa Smart Araneta Coliseum. Nanalo naman ng Best in Talent si Isabela "Lala" Vinzon, ang anak ng action star na si Roi Vinzon.

Read also

Ina ni Herlene Budol, aminadong na-disappoint sa resulta ng Binibining Pilipinas 2022

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ngayong gabi, July 31, 2022 naktakdang ganapin ang pinakainaabangang coronation night ng Binibining Pilipinas. Hindi pa man natatapos ang pageant, bumuhos na ang suporta kay Herlene lalo at kilala siyang malapit sa masa dahil na rin sa pagkabilang niya sa programa ni Willie Revillame.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos. Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.

Marami ang namangha sa transformation ni Herlene matapos niyang sumali sa Bb. Pilipinas. Kabilang siya sa mga 40 na kalahok na masuwerteng nakapasok sa naturang pageant. Matatandaang dahil hindi siya bihasa sa pagsasalita sa English ay sinabi niyang Tagalog ang gagamitin niya kapag siya ay sasagot sa mga katanungan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel