Oyo Boy Sotto, inoperahan matapos niyang maaksidente sa bisekleta

Oyo Boy Sotto, inoperahan matapos niyang maaksidente sa bisekleta

- Binahagi ni Oyo Boy Sotto na sumailalim siya sa Arthroscopic AC joint reconstruction

- Ito ay matapos niyang maaksidente umano sa bike niya noong nakaraang linggo

- Sa kanyang post ay binahagi niya ang pictures niya at ng asawang si Kristine Hermosa sa ospital

- Pinasalamatan niya rin ang kanyang misis sa pag-aalaga nito sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naaksidente si Oyo Boy Sotto sa bike noong nakaraang linggo. Naibahagi niya sa kanyang Instagram post na sumailalim siya sa Arthroscopic AC joint reconstruction dahil sa aksidente.

Oyo Boy Sotto, inoperahan matapos niyang maaksidente sa bisekleta
Oyo Boy Sotto, inoperahan matapos niyang maaksidente sa bisekleta (@khsotto)
Source: Instagram

Pinasalamatan niya ang Panginoon. Sunod niyang pinasalamatan ang misis na si Kristine Hermosa sa pag-aalaga umano nito sa kanya. Maging ang kanyang mga doktor ay hindi niya kinaligtaang pasalamatan.

God is good! Surgery (Arthroscopic AC joint reconstruction) done! Had a bike accident last week that led to this. Lord Jesus, maraming salamat, You’re the best, I love you! To my wife, I love you very much! Thank you for taking care of me. Iba ka talaga To my doctors, maraming salamat sa inyo. Keep safe everyone and God bless you all. Let’s not forget to thank the Lord in good and especially in bad times

Read also

Darna, gumulantang sa publiko nang mamataan sa Robinsons Novaliches

Bumuhos naman ang pangangamusta at kahilingang gumaling na siya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kristine Hermosa ay pangalawa sa apat na magkakapatid. Ang apelyidong kanyang ginagamit ay Hermosa na mula sa kanyang ina. Ikinasal siya kay Diether Ocampo noong September 21, 2004 ngunit hindi ito gaanong tumagal matapos itong ma-annul noong January 30, 2009. Muli siyang ikinasal kay Oyo Boy Sotto noong January 12, 2011 at nabiyayaan ng limang anak.

Kamakailan ay ipinaalam ni Kristine ang tungkol sa isang Facebook account na gumagamit sa kanyang pangalan at litrato. Ipinagbigay-alam niya ito sa mga netizens upang magsilbing babala. Samantala, ibinahagi din kamakailan ni Kristine ang pagiging maalaga ni Oyo sa kanilang bunsong anak.

Hindi napigilang maging emosyonal ni Kristine sa isang panayam sa kanya ni Boy Abunda. Ang pagiging ina umano niya ay naging daan upang maapreciate niya ang iba pang mga kagaya niyang ilaw ng tahanan. Aniya, hindi niya pinagsisihang mas pinili niyang unahin ang kanyang pamilya kesa sa pag-aartista. Nagiging madali umano ang kanyang pagiging ina dahil mahal niya ang kanyang ginagawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel