Picture ng "Eat Bulaga" hosts, trending matapos mahagip ang It's Showtime sa TV screen nila

Picture ng "Eat Bulaga" hosts, trending matapos mahagip ang It's Showtime sa TV screen nila

- Sa picture ng hosts ng 'Eat Bulaga' kasama ang GMA news reporter na si Mariz Umali, hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens ang nasa screen ng TV na nasa kanilang picture

- Makikita doon ang isa sa mga kalahok sa isang patimpalak sa 'It's Showtime' at nakalagay din ang A2Z sa monitor

- Agad na naging usap-usapan ang naturang picture lalo at maituturing na mahigpit na magkaribal ang dalawang noontime show

- Matatandaang noong may prangkisa pa ang ABS-CBN ay madalas magkatapat ang dalawang noontime show pagdating sa TV ratings

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa binahaging picture ni Mariz Umali kasama ang hosts ng Eat Bulaga, hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens ang nasa screen ng TV na nasa kanilang picture. Makikita sa monitor ang isa sa mga kalahok sa isang patimpalak sa It's Showtime at nakalagay din ang A2Z.

Read also

Viral delivery rider noong 2020, nagtapos na ngayon bilang magna cùm laude

Picture ng "Eat Bulaga" hosts, trending matapos mahagip ang It's Showtime sa TV screen nila
Picture ng "Eat Bulaga" hosts, trending matapos mahagip ang It's Showtime sa TV screen nila (@itsshowtimena)
Source: Instagram

Kabilang sina Miles Ocampo, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Maja Salvador, Ryzza Mae Dizon at Maine Mendoza sa mga hosts na kasama ni Mariz sa picture na kanyang na post sa Instagram.

Agad na naging usap-usapan ang naturang picture lalo at maituturing na mahigpit na magkaribal ang dalawang noontime show. Gayunpaman, madalas ding nababanggit ni Vice ang Eat Bulaga sa tuwing bumibitaw siya ng kanyang mga jokes.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang It's Showtime ay isang noontime variety show ng Kapamilya Channel sa ABS-CBN Entertainment na unang umere noong October 24, 2009. Kasalukuyang napapanood ang It's Showtime sa YouTube channel ng ABS-CBN, sa A2Z at TV5 simula Lunes hanggang Sabado.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pag-iyak ni Karylle sa kanilang larong "Vest in Spelling" sa segment nilang "Palarong Pang-madla" sa It's Showtime. Sa naturang laro ay kailangan mabaybay ng mga host ang sagot sa mga tanong na binibigay ni Amy Perez gamit ang mga titik na nakalagay sa harap at likod ng kanilang suot na vest. Sa tuwing nakakatama sila ay nadadagdagan ang perang iniipon nila para ipamigay tuwing Sabado sa kanilang "Random Acts of Kindness."

Samantala, natawa na lang si Vice Ganda matapos ang kanyang pagkakadapa sa sahig na kuhang-kuha live stream ng Kapamilya Online Live. Pinakita nito ang tamang pagrampa at pag-pose ngunit hindi niya inasahang matutumba siya at halos napasubsob malapit sa isang camera. Agad namang lumapit ang kanyang mga co-hosts para tulungan siyang tumayo habang lahat sila ay tawang-tawa. Napabiro pa si Vice Ganda na natakot siya dahil akala niya ay papasok siya sa loob ng camera

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel