Brenda Mage, ‘di iniisip na pang matagalan ang relasyon kay Gio

Brenda Mage, ‘di iniisip na pang matagalan ang relasyon kay Gio

- Si Brenda Mage ay tinanong ng KAMI kung pangmatagalan ba ang relasyon nila ni Gio Sta. Ana

- Ito ay dahil may mga netizens na nagsasabing magbe-break din daw sina Brenda at Gio

- Ayon sa komedyante, hindi niya iniisip na pangmatagalan sila ni Gio

- Ang mahalaga sa kanya ay totoong nagmahalan sila sa panahong magka-relasyon sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinanong si Brenda Mage ng KAMI kung sa tingin ba niya ay pangmatagalan ang relasyon niya sa kanyang nobyo na si Gio Sta. Ana.

Brenda Mage
Brenda Mage
Source: Facebook

Marami kasing netizens na nagsasabing magbe-break din daw sina Brenda at Gio.

Diretsahan namang inamin ni Brenda na hindi niya iniisip na pangmatagalan sila ni Gio.

Ayon kay Brenda, ang mahalaga sa kanya ay totoong nagmahalan sila sa panahong magka-relasyon sila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Brenda Mage, inaming may balak magpa-retoke: “plano ko talaga”

Gayun pa man, maraming fans nila ang nagnanais na tumagal ang relasyon nina Brenda at Gio sa kabila ng pambabash sa kanila. Kamakailan lang ay nagdiwang ng 1st monthsary ang viral na couple.

“Hindi ko na po iniisip na pang matagalan ‘to na relasyon.
“Ang importante sa panahon na naging kami ay totoo ang feelings naming at yun ang mahalaga,” Brenda said.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez. Ka-relasyon niya ngayon si Gio Sta. Ana, na tumanggap ng maraming pambabash dahil sa relasyon nila ni Brenda. Marami rin namang netizens ang sumusuporta sa kanilang dalawa.

Sa pagbabalik bahay ni Brenda agad silang pinagkuwento ni Big Brother sa confession room kung saan kasama naman niya si Madam Inutz. Dito ay naibahagi niya ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dati niyang kinakasama. Nalungkot siya at nag-alangan umano na bumalik sa PBB.

Read also

Luis Manzano, tinatawag umano ni Jessy Mendiola na "kuyang manyak" noon

Kamakailan ay ginulat ni Brenda Mage ang publiko sa kanyang mga viral post. Muli niyang binida ang pagkakaroon niya ng bagong karelasyon. Suportado naman umano ng ina ng kanyang boyfriend ang kanilang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel