Brenda Mage, inaming may balak magpa-retoke: “plano ko talaga”

Brenda Mage, inaming may balak magpa-retoke: “plano ko talaga”

- Nagpahayag si Brenda Mage ng kanyang pananaw ukol sa topic ng plastic surgery

- Dahil daw sa kanyang itsura, gusto raw talaga niyang magpa-retoke upang gumanda

- Kung sakali, ang kanyang ilong ang gusto ni Brenda na ipa-retoke

- Sinabi rin niya sa kanyang fans na abangan ang kanyang magiging transformation

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakausap ng KAMI si Brenda Mage sa isang exclusive interview ukol sa topic ng plastic surgery.

Brenda Mage, may balak magpa-retoke para gumanda: “plano ko talaga”
Brenda Mage, may balak magpa-retoke para gumanda: “plano ko talaga” (@iambrendamage)
Source: Instagram

Sinabi ni Brenda na dahil sa kanyang itsura, gusto raw talaga niyang magpa-retoke upang gumanda.

Ang gusto raw ni Brenda na ipa-retoke ay ang kanyang ilong. Nasa probinsya pa ngayon si Brenda kaya hindi pa niya ito magawa pero sinabi niya sa kanyang fans na abangan ang kanyang magiging transformation. Siguradong magva-viral si Brenda Mage kapag pinakita na niya ang kanyang magiging transformation.

“Sa ganitong itsura ko sino bang ayaw gumanda. Kung pwede nga lahat.

Read also

Brenda Mage, ‘di iniisip na pang matagalan ang relasyon kay Gio

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Pero gusto ko ilong talaga, wala lang time kasi nasa probinsya ako pero muntik na sana kaso bigla ako umuwi, pero meron dito at plano ko talaga, abangan ahaha,” sinabi ni Brenda.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez. Ka-relasyon niya ngayon si Gio Sta. Ana, na tumanggap ng maraming pambabash dahil sa relasyon nila ni Brenda. Marami rin namang netizens ang sumusuporta sa kanilang dalawa.

Sa pagbabalik bahay ni Brenda Mage agad silang pinagkuwento ni Big Brother sa confession room kung saan kasama naman niya si Madam Inutz. Dito ay naibahagi niya ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dati niyang kinakasama. Nalungkot siya at nag-alangan umano na bumalik sa PBB.

Read also

Luis Manzano, tinatawag umano ni Jessy Mendiola na "kuyang manyak" noon

Kamakailan ay ginulat ni Brenda Nage ang publiko sa kanyang mga post. Muli niyang binida ang pagkakaroon niya ng bagong karelasyon. Suportado naman umano ng ina ng kanyang boyfriend ang kanilang relasyon kahit pa maraming netizens ang namba-bash sa kanilang dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel