Pokwang, pabirong sinabi na gustong ibalik sa dagat si ‘Aryana’

Pokwang, pabirong sinabi na gustong ibalik sa dagat si ‘Aryana’

- Naglabas ng pahayag si Pokwang kaugnay sa kontrobersiyal na pahayag ni Ella Cruz kaugnay sa kanyang paghahalintulad ng History sa Tsismis

- Aniya, nirerespeto niya ang desisyon ni Ella kaugnay sa pananaw nito sa politika at sa sinuportahan nito

- Gayunpaman, hindi umano siya sasang-ayon sa sinabi nito tungkol sa history dahil aniya ay maling-mali iyon

- Nagbiro pa ito na gusto niyang ibalik sa dagat si 'Aryana' na dating ginampanan ni Elle kung saan si Pokwang ang gumanap bilang ina nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Pokwang, nirerespeto niya ang desisyon ni Ella kaugnay sa pananaw nito sa politika at sa sinuportahan nito ngunit hindi umano siya sasang-ayon sa sinabi nito tungkol sa history. Nagbiro pa ito na nais niyang ibalik sa dagat si Aryana.

Pokwang, pabirong sinabi na gustong ibalik sa dagat si ‘Aryana’
Pokwang, pabirong sinabi na gustong ibalik sa dagat si ‘Aryana’ (@itspokwang27)
Source: Instagram

Matatandaang nagkasama sina Pokwang at Ella sa teleseryeng Aryana kung saan gumanap bilang ina ni Aryana si Pokwang.

Read also

Annabelle Rama, kinaaliwan s akanyang prangkang komento sa isang contestant

nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali… mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan #Aryana

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay isang Pinay na komedyante, TV host, singer, at endorser. Kabilang sa mga show kung saan siya naging host ay Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey. Ang kanyang kasalukuyang karelasyon ay ang Amerikanong si Lee O'Brian. Matatandaang nabuntis si Pokwang ngunit sa nakunan siya noong Agosto ng parehong taon. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018.

Read also

Pokwang, binahagi ang video ng anak na si Malia na kumakanta ng "Roar"

Madalas na ibahagi ni Pokwang ang nakakaaliw na video ng anak na si Malia sa kanyang Instagram account. Kamakailan ay maraming bumilib sa pagiging magana nito sa pagkain ng gulay. Maging ang video kung saan naglilinis ito ng kanilang garden ay patok na patok sa mga netizens.

Sa kanilang pagbabakasyon sa Boracay, naibahagi ni Pokwang na nagkataong nagkita sila ni Andrew E. Aniya, sa huli ay nanaig ang respeto nang maganap ang pagkita nila kasama ang pamilya niya. Ito ay sa kabila ng magkaibang kandidato sa pagkapangulo na kanilang sinuportahan nitong nakaraang halalan. Matatandaang kamakailan lang ay pinagdiwang nila sa Boracay ang kaarawan ng anak niyang si Mae Subong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel