Pokwang, binahagi ang video ng anak na si Malia na kumakanta ng "Roar"

Pokwang, binahagi ang video ng anak na si Malia na kumakanta ng "Roar"

- Kinaaliwan ang binahaging video ni Pokwang kung saan makikita ang anak niyang si Malia na Kumakanta

- Kinakanta nito ang awiting "Roar" ni Katy Perry habang makikitang nasa loob ng sasakyan

- Maririnig sa dulong bahagi ng video na naubo at nasamid si Malia habang kumakanta

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Biro ni Pokwang, ang usapan daw ay Roar lang at walang kasamang pag-ubo at pagkasamid

Kinaaliwan ang video ni Pokwang kung saan binida niya ang video ng anak na si Malia O'Brian na kumakanta ng awiting "Roar." Maririnig sa dulong bahagi ng video na naubo at nasamid si Malia habang kumakanta.

Pokwang, binahagi ang video ng ank na si Malia na kumakanta ng "Roar"
Pokwang, binahagi ang video ng ank na si Malia na kumakanta ng "Roar" (@itspokwang27)
Source: Instagram
Ang usapan roar lang walang ubo at samid hahahahahaha!

Marami naman ang naaliw sa video na ito ni Malia. Narito ang mga komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Derek Ramsay, na-stress sa aniya'y mga "liars on Facebook"

Malia para hindi ubuhin at samidin dapat pag mataas na ang tono sabihin mo "shabay shabay!"
Wow parang mas magaling pa syang kumanta kesa sa akin hahahahaha.
yung samid at ubo ang cuteee! hehe! Future singer malia youre so cute! galing galing nman…. another star coming.

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay isang Pinay na komedyante, TV host, singer, at endorser. Kabilang sa mga show kung saan siya naging host ay Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey. Ang kanyang kasalukuyang karelasyon ay ang Amerikanong si Lee O'Brian. Matatandaang nabuntis si Pokwang ngunit sa nakunan siya noong Agosto ng parehong taon. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018.

Madalas na ibahagi ni Pokwang ang nakakaaliw na video ng anak na si Malia sa kanyang Instagram account. Kamakailan ay maraming bumilib sa pagiging magana nito sa pagkain ng gulay. Maging ang video kung saan naglilinis ito ng kanilang garden ay patok na patok sa mga netizens.

Read also

Ion Perez, pinakita ang kanilang naging biyahe ni Vice Ganda papuntang Amerika

Sa kanilang pagbabakasyon sa Boracay, naibahagi ni Pokwang na nagkataong nagkita sila ni Andrew E. Aniya, sa huli ay nanaig ang respeto nang maganap ang pagkita nila kasama ang pamilya niya. Ito ay sa kabila ng magkaibang kandidato sa pagkapangulo na kanilang sinuportahan nitong nakaraang halalan. Matatandaang kamakailan lang ay pinagdiwang nila sa Boracay ang kaarawan ng anak niyang si Mae Subong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel