Ion Perez, pinakita ang kanilang naging biyahe ni Vice Ganda papuntang Amerika

Ion Perez, pinakita ang kanilang naging biyahe ni Vice Ganda papuntang Amerika

- Pinakita ni Ion Perez ang kanilang naging biyahe papuntang Amerika kamakailan

- Ito ay para sa series of concert ni Vice Ganda sa Amerika na pinamagatang "Fully Vicenated"

- Makikita sa video ang kanilang naging paghahanda bago ang kanilang flights hanggang sa makarating sila sa Los Angeles

- Matatandaang sa mga naunang mga concert ni Vice Ganda ay nakasama niya na rin si Ion

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Ion Perez ang video ng kanilang biyahe ni Vice Ganda papunta sa Amerika. Kasulukuyang nasa Amerika ang dalawa para sa concert ni Vice Ganda na pinamagatang Fully Vicenated.

Ion Perez, pinakita ang kanilang naging biyahe ni Vice Ganda papuntang Amerika
Ion Perez, pinakita ang kanilang naging biyahe ni Vice Ganda papuntang Amerika (@pereziion27)
Source: Instagram

Matapos nilang umuwi galing sa It's Showtime, agad na naghanda ang dalawa para sa kanilang flight. Makikita sa video na binahagi ni Ion ang kanilang kulitan habang nasa biyahe. Una silang nag-check in sa hotel kung saan sila mamalagi sa Los Angeles.

Read also

Derek Ramsay, na-stress sa aniya'y mga "liars on Facebook"

Agad din silang lumabas para kumain matapos nilang makapag-check in.

Narito ang komento ng mga netizens sa video na ito ni Ion:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kakakilig may vlog naman c ion dipa nga ako nakakamove on sa vlog ni ni meme vice na asan asawa ko sabi nya sa isang vlog yeeeeh meron na uli
Napaka genuine ni ion. Mabait talaga sya ska natural lang mag vlog. Ingat kayo jan sa America ni meme
Thank you ion..kahit ppano na ibsan din ang narramdaman naming lungkot at sobrang miss na miss namin kayo.

Si Benigno Dungo Perez o mas kilala sa kanyang screen name na Ion Perez ay isang aktor, model, at TV host. Una siyang sumikat sa bansag na Kuya Escort sa Miss Q and A segment ng It's Showtime. Sa kasakuluyan ay isa pa rin siya sa mga regular host ng sikat na noontime show.

Read also

Korina Sanchez, pinakita ang nakakaaliw na pag-uusap ng mga anak

Marami ang natuwa kay Ion Perez dahil naisip niyang bilhan ng massage chair si Vice Ganda dahil kapag umiinit umano ang ulo nito minsan ay gusto niyang magpamasahe. Hindi man ito hiningi ni Vice sa kanya, ito umano ang naisip niyang iregalo kay Vice.

Kamakailan ay pinakita ni Ion Perez ang kanyang pamamahagi ng biyaya sa kanyang mga kalugar sa Tarlac. Sa kanyang binahaging video ay umuwi siya sa kanilang lugar at namahagi ng bigas sa 50 na tao mula sa kanilang lugar. Nagpakain din siya ng lugaw at sandwich sa ilan sa mga tao sa kanilang lugar bilang bahagi ng kanyang feeding program. Marami ang humanga sa kanya dahil sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi nito nakakalimutang magbahagi ng biyaya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel