Korina Sanchez, pinakita ang nakakaaliw na pag-uusap ng mga anak

Korina Sanchez, pinakita ang nakakaaliw na pag-uusap ng mga anak

- Binahagi ni Korina Sanchez ang nakakaaliw na video ng kanyang dalawang anak na sina Pepe at Pillar

- Makikita ang dalawa na nakaupo sa laruang kotse habang nag-uusap sa salitang Hiligaynon

- Marami ang natuwa at naaliw sa kambal na matatas nang magsalita sa wikang kanilang kinagisnan

-Ang mga magulang ng kanilang amang si Mar Roxas ay parehas na Ilonggo na nagmula sa Negros Occidental at sa Roxas, Capiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Korina Sanchez ang nakakaaliw na video ng kambal na anak na sina Pepe at Pilar habang nag-uusap. Kinaaliwan ng netizens ang kambal na matatas nang magsalita sa wikang Hiligaynon.

Korina Sanchez, pinakita ang nakakaaliw na pag-uusap ng mga anak
Korina Sanchez, pinakita ang nakakaaliw na pag-uusap ng mga anak (@korina)
Source: Instagram

Sa binahaging video ni Korina ay makikitang nakaupo ang magkapatid sa laruang kotse na kulay pula habang nag-uusap. Ani Korina, mukhang ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa kwento ng Little Mermaid.

Read also

Bagong kasal, naging instant millionaire dahil sa kanilang money dance

Abawwww naga istorya man ang duha nga ilonggo bagets na itoh! May yakapan pah! I think theyre jamming on a rescripting of Little Mermaid.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Korina Sanchez ay isang award-winning Filipina broadcast journalist, newspaper columnist, radio anchor, senior field correspondent, TV news anchor, at magazine show host. Kinaaliwan ng mga netizens ang mga ibinabahagi ni Korina Sanchez na mga litrato at video ng kanyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar. Kamakailan lang ay nagdiwang ang mga ito ng kanilang ikalawang taong kaarawan.

Ibinahagi ni Korina ang kanyang pasasalamat sa Panginoon na hindi siya tinatamaan ng COVID sa kabila ng pagtaas ng kaso ng nagkakaroon nito sa kasalukuyan. Patanong naman ang kanyang pahayag na pinagpala siya dahil sa dami ng kanyang tinutulungan. Dahil dito ay umani ng mga reaksiyon ang kanyang caption na kinalaunan ay pinalitan niya rin dahil aniya sa kanyang "miscalculated words" sa kanyang caption. Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay maraming kilalang mga personalidad ang tinamaan ng COVID kabilang na ang mga kagaya niyang journalists.

Marami ang naaliw sa video na ibinahagi ni Korina Sanchez sa kanyang Instagram account. Ibinida niya ang kanyang kambal na sina Pepe at Pilar na nakikipag-usap sa kanya gamit ang salitang Ilonggo. Maging si Korina ay nagtanong pa sa kasama nila sa bahay kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng kanyang mga anak. Ang mga magulang ni Mar Roxas ay parehas na Ilonggo na nagmula sa Negros Occidental at sa Roxas, Capiz.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel