Raymond Gutierrez, ibinida ang kanyang boyfriend bago matapos ang Pride Month

Raymond Gutierrez, ibinida ang kanyang boyfriend bago matapos ang Pride Month

- Pinakita ni Raymond Gutierrez sa unang pagkakataon ang mukha ng kanyang boyfriend sa pamamagitan ng isang Instagram post

- Binahagi niya ang picture nilang dalawa na magkasama sa tabing dagat habang hawak-kamay na naglalakad

- Marami sa mga kasamahan niya sa showbiz ang bumati at nagahayag ng kanilang kasiyahan para kay Mond

- Matatandaang unang inamin ni Mond ang tungkol sa kanyang karelasyon sa podcast ni Wil Dasovich

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinida ni Raymond Gutierrez ang kanyang boyfriend sa kauna-unahang pagkakataon sa pamamagitan ng pagbahagi ng picture nilang magkasama. Marami sa mga kasamahan niya sa showbiz ang bumati at nagahayag ng kanilang kasiyahan para kay Mond.

Raymond Gutierrez, ibinida ang kanyang boyfriend bago matapos ang Pride Month
Raymond Gutierrez, ibinida ang kanyang boyfriend bago matapos ang Pride Month (@mond)
Source: Instagram

Binahagi niya ang picture nilang dalawa na magkasama sa tabing dagat habang hawak-kamay na naglalakad. Sa isang picture ay makikita ang collage ng close up picture nilang dalawa. Ito ay kanyang ibinahagi bago matapos ang Pride Month.

Read also

Richard Gutierrez, hinangaan sa pagiging supportive nya sa kakambal na si Mond Gutierrez

Celebrate your love! Happy Pride, Philippines

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Samantala, narito ang ilan sa komento ng netizens sa kanya:

This makes me happy. You both bring me happiness :) so much!
World is becoming what we expected, pure love, happiness, equality, and respect. Happy Pride to all us LGBT fam cheers to y’all
You deserve nothing but happiness, Mondy!

Si Raymond Kristoffer Rama Gutierrez o mas kilala sa kanyang screen name na Raymond Gutierrez ay isang TV host, editor, columnist, endorser, entrepreneur at aktor. Isa sa kanyang naging programa ay ang Pinoy Idol noong 2008 kung saan siya ang host. Naging host din siya ng Showbiz Police. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Gutierrez at anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Kilala din siya bilang kakambal ni Richard Gutierrez.

Read also

Gelli de Belen, proud na binahagi ang graduation ng anak sa Canada

Sa isang post ay ibinahagi ni Mond na ikinabigla niya ang nangyari sa kanya habang sakay siya ng isang Uber car sa Los Angeles. Ipinakita niya sa kanyang Instagram story ang kinahantungan ng kotseng sinasakyan niya matapos mabangga ng isa pang kotse.

Matatandaang unang inamin ni Mond ang tungkol sa kanyang karelasyon sa podcast ni Wil Dasovich. Ito ay matapos siyang tanungin nito kung ano ang dahilan kung bakit siya nanatili sa Amreika gayong ang kanyang pamilya ay nasa Pilipinas. Naibahagi niyang nagiging seryoso na ang kanilang relasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel