Raymond Gutierrez, nakaligtas matapos mabangga ang sinasakyang kotse sa LA

Raymond Gutierrez, nakaligtas matapos mabangga ang sinasakyang kotse sa LA

- Ibinahagi ni Raymond Gutierrez ang picture ng kotseng kanyang sinakyan na nadisgrasya

- Mabuti na lamang umano at naka-seatbelt siya nang mangyari ang aksidente kaya hindi siya nasaktan

- Isang sasakyan umano ang nag-iba ng direksiyon habang nakaandar sila kaya naging malakas ang impact ng pagbangga

- Pinasalamatan naman ni Raymond ang lahat ng nag-aalala para sa kanyang kaligtasan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ikinabigla ni Raymond Gutierrez ang nangyari sa kanya habang sakay siya ng isang Uber car sa Los Angeles. Ipinakita niya sa kanyang Instagram story ang kinahantungan ng kotseng sinasakyan niya matapos mabangga ng isa pang kotse.

Raymond Gutirrez, nakaligtas matapos mabangga ang sinasakyang kotse sa LA
Raymond Gutirrez (@mond)
Source: Instagram

Mabuti na lamang umano at naka-seatbelt siya nang mangyari ang aksidente kaya hindi siya nasaktan. Isang sasakyan umano ang nag-iba ng direksiyon habang nakaandar sila kaya naging malakas ang impact ng pagbangga. Pinasalamatan naman ni Raymond ang lahat ng nag-aalala para sa kanyang kaligtasan.

Read also

Bea Alonzo, inaming pinakamasaya siya sa buhay niya sa kasalukuyan

Aniya, naawa siya sa driver ng Uber na kanyang sinakyan kasi hindi naman umano nito kasalanan ang nangyari. Gayunpaman, paalala niya sa publiko, palaging magsuot ng seatbelt.

Binalak niya umanong balewalain na lang ang nangyari ngunit nakaramdam siya ng pagkahilo kaya umuwi na lang umano siya at magpahinga at kinalaunan ay mas umayos na ang kanyang pakiramdam.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, hindi pa siya nagmamaneho sa LA ngunit alam niyang dapat niyang matutunan iyon. Hiling niya lamang na hindi makaapekto ang kanyang dinanas.

Si Raymond Kristoffer Rama Gutierrez o mas kilala sa kanyang screen name na Raymond Gutierrez ay isang TV host, editor, columnist, endorser, entrepreneur at aktor. Isa sa kanyang naging programa ay ang Pinoy Idol noong 2008 kung saan siya ang host. Naging host din siya ng Showbiz Police.

Read also

Anak, pinalitan ang kotse na naibenta noon ng ama para sa kanyang pag-aaral

Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Gutierrez at anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Kilala din siya bilang kakambal ni Richard Gutierrez.

Matatandaang nitong taong ito ay isinapubliko ni Raymond ang kanyang pagiging isang bahagi ng LGBTQ community.

Kasunod nito ay nag-viral ang TikTok video nila ni Tony Labrusca.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel