Jillian Ward, pinakilala ni Miss Glenda bilang "Face of #PerfectlyBrilliant"

Jillian Ward, pinakilala ni Miss Glenda bilang "Face of #PerfectlyBrilliant"

- Si Jillian Ward ang napiling bagong mukha para sa bagong produkto ng CEO ng skin care products na si Miss Glenda

- Sa kanyang social media post ay masaya niyang binahagi ang picture ng packaging ng bagong produkto

- Nagpasalamat naman ang dalaga kay Miss Glenda sa pamamagitan ng kanyang pagpost sa Instagram story

- Naging endorser na rin si Jillian ng naturang produkto ngunit ngayon lamang pormal na naging "Face of #PerfectlyBrilliant" matapos mailagay ang kanyang picture

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jillian Ward ang "Face of #PerfectlyBrilliant" ayon sa CEO na si Miss Glenda. Sa kanyang post ay binahagi niya ang picture ng bagong packaging ng produkto kung saan nakalagay ang picture ng dalaga.

Jillian Ward (@jillian)
Jillian Ward (@jillian)
Source: Instagram

Nagpasalamat naman ang dalaga kay Miss Glenda sa pamamagitan ng kanyang pag-post sa Instagram story. Matatandaang noong nakaraang taon ay nag-umpisang maging endorser ng skin care product ni Miss Glenda si Jillian.

Read also

Angelica Jane Yap o 'Pastillas Girl', muling bumwelta: "Bukas tayo magtutuos"

Samantala, sa naunang vlog na inilabas ni Miss Glenda ay nilinaw niyang hindi niya bibitawan si Andrea Brillantes na nakilala bilang isa sa pinakaunang endorser ng Brilliant Skin Essentials.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jhyllianne Wardë o mas kilala sa kanyang screen name na Jillian Ward ay isang aktres, commercial model, singer at vlogger. Una siyang sumikat nang gumanap siya bilang si Gertrudis "Trudis" Capili-Ferrer sa seryeng Trudis Liit. Siya din ang gumanap bilang Donna Marie "Mayi" Madreal-Escalante sa seryeng panghapon na Prima Donnas na napanood sa GMA-7.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbahagi ni Jillian Ward sa kanyang Istagram post ng kanyang unang sports car. Ito ay matapos ang mahigit tatlong buwan lamang mula nang ibahagi ni Jillian ang kanyang sariling BMW. Sa kanyang murang edad na 17, mayroon nang sariling Porsche sports car ang aktres.

Matapos ang pag-viral at paglabas ng balita kaugnay sa binahagi ni Jillian Ward na kanyang bagong sports car, naging usap-usapan din ang pahayag ni Xian Gaza. Nilabas naman ng kampo ng aktres ang kanyang accomplishments mula sa kanyang pagsisimula sa kanyang showbiz career sa edad na 5 taon at pagbili niya ng bahay sa edad na 7. Sa edad na 14 ay nagsimula na ng kanyang sariling negosyo si Jillian na WONDER TEA Philippines.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel