Anji Salvacion, emosyonal nang hiranging Big Winner ng PBB Kumunity Season 10

Anji Salvacion, emosyonal nang hiranging Big Winner ng PBB Kumunity Season 10

- Si Anji Salvacion ang hinirang na Big Winner sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10

- Mula sa pagiging top 2 ng celebrity edition, si Anji ang pinalad nang pagsama-samahin na rin ang adult at teen edition

- Dahil dito, walang humpay ang pagluha ni Anji sa kasiyahan na halos hindi makapaniwala na siya ang Big Winner

- Labis niyang ipanagpapasalamat hindi ang titulong nakamit kundi ang tiwalang ibinigay umano sa kanya ng mga taong naniwala sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang humpay halos ang pagluha ni Anji Salvacion nang hirangin siya bilang Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 big winner.

Anji Salvacion, emosyonal nang hiranging Big Winner ng PBB Kumunity Season 10
Anji Salvacion (Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na matitindi ang mga pinagdaanan ni Anji upang makamit niya ang titulo bilang Big Winner.

Si Anji ay nagmula sa top 2 ng celebrity edition ng kanilang season kasama si Alyssa Valdez na pinalitan naman ni Samantha Bernardo dahil tumutok si Alyssa sa SEA Games.

Read also

Big 5 ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, pinangalanan na

Pinagsama-sama sila ng Top 2 ng adult na si Nathan Juane at Isabel Laohoo gayundin ang top 2 ng teen na sina Rob at Gabb.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa pagtatagumpay nila sa task, nakuha ng celebrity housemates sina Anji, Samantha at Brenda ang pwesto sa Big 5 na napagtagumpayan din nina Isabel at Rob bilang kinatawan ng kanilang edition.

Dahil dito, si Brenda Mage ang hinirang na 5th Big placer, si Rob naman ang 4th habang si Samantha naman ang 3rd.

Samantala, 2nd big placer naman si Isabel na halos hindi na bitawan ni Anji nang marinig ang pangalan nito na nangangahulugan kasing siya ang big winner.

Maging ang ina ni Anji na naghihintay sa kanya sa outside world ay walang humpay ang pagluha sa saya at labis ding nagpapasalamat sa lahat ng naniwala sa kanyang anak

Read also

VP-elect Sara Duterte, sinamahan ang isang estudyante sa moving-up ceremony nito

"It's not the title but it is how people trusted me," ang makabuluhang mensahe naman ni Anji sa lahat ng sumuporta sa kanya hanggang sa hirangin na nga siya bilang big winner.

Mapapanood ang kabuuan ng mensahe ni Anji ang iba pang mga pangyayari sa mahalagang gabi niya bilang Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 BIG WINNER sa Kapamilya Online live.

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Simula noong Oktubre ng nakaraang taon, muling binuksan ang bahay ni Kuya para sa celebrity edition ng Pinoy Big Brother.

Matatandaang naging bahagi ng final 5 ng naturang edisyon sina Samantha Bernardo, Madam Inutz at Brenda Mage.

Samantala hinirang naman na Top 2 sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Sinundan naman agad ito ng PBB Kumunity Adult edition kung saan sina Michael Ver Comaling, Seham Daghlas at Zach Guerrero ay naging bahagi ng final 5 habang sina Isabel Laohoo at Nathan Juane ang napabilang sa Top 2.

Noong Marso 7, pumasok naman ang mga teen housemates na hanggang ngayon ay mapapanood sa Kapamilya online live at iba pa nilang channels.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel