Robi Domingo, may hamon sa mga content creators matapos ang viral PBB teens episode

Robi Domingo, may hamon sa mga content creators matapos ang viral PBB teens episode

- Nagbigay komento ang PBB host na si Rob Domingo kaugnay sa viral na PBB teens episode

- Imbis na Gomburza ang isagot patungkol sa Filipino martyr priests, "MaJoHa" ang isinagot ng housemate

- Kaya naman may hamon si Robi sa mga content creators ngayon sa paglikha ng mas makabuluhang mga konsepto ng kanilang video

- Aniya, nasasalamin din sa pangyayari ang sistema ng edukasyon sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang araw matapos na mag-trending ang "MaJoHa", nagbigay komento ang Pinoy Big Brother host na si Robi Domingo.

Robi Domingo, may hamon sa mga content creators matapos ang viral PBB teens episode
Robi Domingo, may hamon sa mga content creators matapos ang viral PBB teens episode (@iamrobidomingo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay may kaugnayan sa sagot ng housemates na imbis na Gomburza ang isagot patungkol sa Filipino martyr priests na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora, 'Majoha' ang isinagot ng isang housemate.

Sa kanyang Twitter post, diretsang sinabi ni Robi ang saloobin niya sa kontrobersyal na episode ng PBB.

Read also

Bianca Gonzales, matapang na sinabihan ang umano'y naninira sa Pamilya Robredo

"Sa una, nakakatawa pero habang tumatagal, di na nakakatuwa," bungad niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ni Robi, nasasalamin sa naturang episode ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Dahil dito, may hamon din siya sa mga content creators sa paglikha ng mas makabuluhang video na kapupulutan ng aral at kaalaman lalo na kasalukuyang kalagayan ng pag-aaral ngayon ng mga estudyante dahil sa pandemya.

"Sa lahat ng content creators, let's battle #MaJoHa," ani Robi.

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Simula noong Oktubre ng nakaraang taon, muling binuksan ang bahay ni Kuya para sa celebrity edition ng Pinoy Big Brother.

Read also

Kampo ni VP Leni , umalma sa umano'y malisyosong video laban sa kanilang pamilya

Matatandaang naging bahagi ng final 5 ng naturang edisyon sina Samantha Bernardo, Madam Inutz at Brenda Mage.

Samantala hinirang naman na Top 2 sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Sinundan naman agad ito ng PBB Kumunity Adult edition kung saan sina Michael Ver Comaling, Seham Daghlas at Zach Guerrero ay naging bahagi ng final 5 habang sina Isabel Laohoo at Nathan Juane ang napabilang sa Top 2.

Noong Marso 7, pumasok naman ang mga teen housemates na hanggang ngayon ay mapapanood sa Kapamilya online live at iba pa nilang channels.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel