Alyssa Valdez, trending matapos na ipakita ang pagsuporta kay VP Leni Robredo

Alyssa Valdez, trending matapos na ipakita ang pagsuporta kay VP Leni Robredo

- Mabilis na nag-trending si Alyssa Valdez matapos isapubliko ang pagsuporta kay Leni Robredo sa pagtakbo nito sa pagka-pangulo

- Katabi ng kanyang larawan ang artcard na nagsasaad ng dahilan niya sa pagsuporta kay Robredo

- Sa comment section, ilan na ang nagpahayag ng pagsang-ayon sa volleyball star

- Maging ang Ateneo Women's Volleyball team ay sumusuporta rin kay Presidential candidate Leni Robredo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Trending ngayong sa Twitter si Alyssa Valdez matapos na isapubliko niya ang pagsuporta kay Vice President Leni Robredo na tumatakbo bilang Pangulo para sa darating na eleksyon sa Mayo.

Nalaman ng KAMI na kasama ng tweet ni Alyssa ay ang nakangiti niyang larawan at pink na artcard na nagsasaad ng kanyang rason kung bakit susuportahan si Robredo sa paparating na halalan.

Alyssa Valdez, trending matapos na ipakita ang pagsuporta kay VP Leni Robredo
Alyssa Valdez, trending matapos na ipakita ang pagsuporta kay VP Leni Robredo (@alyssavaldez)
Source: Twitter

Lumalabas na hindi lamang si Alyssa Valdez ang volleyball star na susuporta kay Robredo.

Read also

Video ni VP Leni habang binabasa ang placard na "VP Leni, Shot na!", viral

Ang naturang artcard ay bahagi ng buong Ateneo Women's Volleyball team na suportado ang kandidatura ni Robredo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, karamihan ng mga nagkomento ay nagpakita ng pagsang-ayon sa susuportahang pangulo ni Alyssa.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sabi sa inyo, no need to pressure her"
"At nagsalita na ang volleyball queen"
"Thank you for making a stand"
"Saludo ako sa'yo, this is a brave decision"

Bukod sa pagiging isang Volleball Star, kilala rin si Alyssa sa pagiging Top 2 ng Pinoy Big Brother Kumunity Celebrity Edition Season 10. Kasama na nagwagi ni Alyssa si Anji Salvacion.

Nakasama naman niya sa final 5 sina Brenda Mage, Madam Inutz at Samantha Bernardo.

Samantala, isa na si Alyssa sa mga kilalang personalidad na sumusuporta kay Leni Robredo sa kandidatura niya sa pagka-pangulo sa May 2022 Elections.

Read also

Karla Estrada nang kumustahin ni Mama Loi; "Kayo ha, kung ano-ano pinaparinig niyo sa'min"

Matatandaang ilan sa mga hayagang nagpapakita ng suporta kay Robredo ay sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Rita Avila, Agot Isidro, Rica Peralejo at Jolina Magdangal.

Nag-trending din kamakailan si Ogie Diaz na nag-host ng grand rally ng grupo ni Leni-Kiko tandem sa iloilo. Ito ay matapos na sabihin ni Ogie na lahat umano sila ay boluntaryong sumusuporta kay Robredo at wala silang ni singkong duling na tinanggap bilang kabayaran.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica