Big 5 ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, pinangalanan na

Big 5 ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, pinangalanan na

- Nakumpleto na ang mga pangalan ng Big 5 ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10

- Tatlo sa kanila ay mula sa mga celebrity housemates, isa mula sa adult at isa mula sa teens

- Sa tatlong edisyon, may kanya-kanyang mga hinirang na top na naging kinatawan ng kanilang grupo

- Maging ang mga nakasama nila sa top 5 ng kanilang mga edition ay bumalik din sa bahay ni Kuya at nabigyan ng pagkakataong magkapwesto sa Big 5

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Buo na ang Big 5 ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10. Mula sa kanila ang hihirangin na Big winner ng Pinoy Big Brother season 10.

Big 5 ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, pinangalanan na
Big 5 ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, pinangalanan na (Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Tatlo sa kanila ay pawang mga mula sa celebrity edition. Sila ay sina Anji Salvacion, at Samantha Bernardo.

Si Isabel Laohoo naman ay mula sa adult housemates habang si Rob Blackburn ay mula sa teen edition.

Read also

Elijah Canlas, umaming sila na ni Miles Ocampo; "Last year pa po kami eh"

Matatandaang, si Alyssa Valdez sana ang kasama ni Anji sa top 2 ng celebrity edition subalit nagdesisyon na ito na bigyang prayoridad ang pagsabak sa SEA Games.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, bukod sa top 2, nabigyan din ng pagkakataong makabalik muli ang ilang housemate mula sa Teen, celebity at adult.

Nitong Mayo 1, tuluyan nang nagpaalam si Alyssa Valdez kay Big Brother at hindi na niya magagampanan pa ang pagiging top 2 ng Celebrity Kumunity Edition Season 10 gayung naghahanda at magti-training na siya para sa SEA GAMES.

Pinalitan siya ng ka-close niyang celebrity housemate na si Samantha Bernardo na halos hindi makapaniwala sa nangyari subalit suportado ang desisyon ni Alyssa.

Emosyonal na nagpasalamat si Alyssa kay kuya at sinabing baon-baon daw niya sa SEa games ang mga natutunan niya sa loob ng PBB house.

Matapos na magpaalam sa programa, nag-post din si Alyssa sa kanyang social media upang mas maunawaan ng nakararami ang dahilan sa kanyang pagpapasya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel