Sharlene San Pedro, nakapagtapos na sa kursong Bachelor of Arts in Psychology

Sharlene San Pedro, nakapagtapos na sa kursong Bachelor of Arts in Psychology

- Nakapagtapos na ng kolehiyo ang dating Goin’ Bulilit star na si Sharlene San Pedro

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Ibinahagi ni Sharlene sa kanyang mga social media account ang kanyang tagumpay.

- Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanyang kapwa artista at ng mga netizens si Sharlene

- Si Sharlene ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Psychology

Masayang binahagi ni Sharlene San Pedro ang kanyang graduation pictures sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo. Nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Psychology.

Sharlene San Pedro, nakapagtapos na sa kursong Bachelor of Arts in Psychology
Sharlene San Pedro (@sharlenesanpedro1)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bumuhos ang pagbati sa dating Goin’ Bulilit star na si Sharlene matapos nitong ibahagi ang kanyang bagong accomplishment. Ayon sa kanya sa isang vlog kung saan nakasama niya ang ibang kasamahan sa Goin' Bulilit, sinubukan niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagiging isang VJ at masaya siyang kinaya niyang tapusin ang kanyang pag-aaral.

Read also

Anne Curtis, humirit ng 'take 2' sa kanyang performance sa pagbabalik It's Showtime

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanyang kapwa artista at ng mga netizens si Sharlene

“PROUD OF YOU, MY BESHIE BESHIE!!!!!!” ani Miles Ocampo na kilala bilang isa sa malapit na kaibigan ni Sharlene.

“Congrats Shar!! So proud of you!!!” komento naman ni Barbie Imperial.

“Proud of you Sharlene, always,” pagbati ng Mayonnaise vocalist na si Monty Macalino.

Nakapagtapos si Sharlene habang sinasabay ang pagiging artista, streamer, at singer at VJ.

Narito naman ang pagbati ng ilang netizens:

Bilis ng panahon cute cute mo nung napanood kita graduate ka na ngayon Congrats!
Wow kaya pala. Nawala ka saglit sa showbiz busy sa college. Good decision
ay wow sumasapaw chariz! So proud of you!

Samantala sa kanyang binahaging picture sa Facebook pinakita niya ang kanyang gamer-girl side.

Si Sharlene Santos San Pedro o mas kilala sa kanyang screen name na Sharlene San Pedro ay isang Filipino actress, singer at VJ. Una siyang napanood sa telebisyon sa edad na apat na taon nang sumali siya sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest: Kids Edition noong 2004 kung saan nakuha niya ang 2nd place.

Read also

Kyle Echarri, proud umano kina Francine Diaz at Seth Fedelin

Matatandaang kamakailan ay nadawit si Sharlene sa isyu matapos siyang banggitin ni Xian Gaza. Ito ay kasunod ng pagsasapubliko ng relasyong Andrea Brillantes at Ricci Rivero. Inalmahan niya ito at sinabihan si Xian na wala umanong nagkakagusto kaya umano chismis ang pinapakalat nito. Sinang-ayunan naman ni Ricci ang pahayag na ito ni Sharlene.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel