Toni Gonzaga, binuhay ang mga supporters ng 'BBM-Sara' tandem sa Tagum City
- Viral ngayon ang video ni Toni Gonzaga na nagbigay buhay sa grand rally ng UniTeam sa Tagum City
- Matapos niyang awitin ang 'Umagang kay Ganda', pinalakas niya ang loob ng 'BBM-Sara' supporters sa pag-asang sila ang magwawagi sa darating na halalan
- Nabanggit din niya na ang tunay na tagumpay ay hindi ang paninira umano sa kapwa kandidato
- Unang gumawa ng ingay si Toni Gonzaga para sa Eleksyon nang maging host siya proclamation rally ng UniTeam noong Pebrero 8 sa Philippine Arena
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Muling nagbigay buhay si Toni Gonzaga sa mga 'BBM-Sara' supporters sa Tagum City sa ginanap na "On the Road with the Frontrunner" ngayong Mayo 5.
Matapos awitin ni Toni ang 'Umagang kay Ganda' ay pinalakas niya ang loob ng UniTeam supporters sa umano'y nalalapit nilang tagumpay sa darating na halalan sa Lunes, Mayo 9.
"Ang tunay na laban sa halalang ito ay hindi nasusukat sa paninira ninyo sa ibang kandidato," ayon kay Toni gayung ang tunay na laban ay mangyayari lamang sa Halalan.
Pinaalalahanan din niya ang mga supporters ng kahalagahan ng pagboto nila sa Mayo 9 upang tuluyan nang maluklok sa pagka-pangulo si Bongbong Marcos at running mate nitong si Sara Duterte sa pagka-bise Presidente.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Toni Gonzaga mula sa SMNI YouTube channel:
Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang kilalang Filipina singer, television host, actress, producer at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.
Isa rin siya sa mga kilalang YouTube content creator kung saan na-interview niya ang ilang mga kilalang personalidad sa bansa kabilang na ang ilan sa mga matutunog na presidentiables para sa darating na eleksyon na sina Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao, Vice President Leni Robredo at si Bongbong Marcos na kanya umanong sinusuportahan.
Kamakailan ay pinasalamatan niya lahat ng kanyang mga supporters gayung umabot na sa 7 million ang Instagram followers niya habang pumalo na sa limang milyon ang YouTube subscribers niya.
Kasunod nito ay ang pag-anunsyo ni Toni ang kanyang paglisan bilang main host ng Pinoy Big Brother na naging programa niya sa loob ng 16 na taon.
Source: KAMI.com.gh