Barbie Imperial, hindi raw talaga nandiri sa pagtagay ng inabot lang sa kanya

Barbie Imperial, hindi raw talaga nandiri sa pagtagay ng inabot lang sa kanya

- Nilinaw ni Barbie Imperial na hindi umano talaga siya nandiri sa shot glass na basta na lamang inabot sa kanya habang nasa motorcade

- Aniya, bago pa man siya mag-artista, sanay na siya sa ganito sa mga probinsya lalo na kung may piyestahan

- Natural lamang umano na kapag pinatagay ay inumin ito kaya hindi siya nakaramdam ng pandidiri

- Nag-viral ang video ni Barbie na walang kiyeme na inabot at ininom ang tagay sa kanya na sinundan pa umano ng chaser

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Natanong si Barbie Imperial kung hindi ba umano ito nandiri sa shot glass na inabot sa kanya para tumagay habang siya ay nasa motorcade.

Barbie Imperial sa viral video niya ng pagtagay sa inabot lang sa kanya: "Hindi ako nandiri"
Barbie Imperial (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na hindi pala alam ni Barbie na mayroong kumukuha sa kanya ng video noon at inabot lang talaga niya ang tagay sabay inom. Sinundan pa ito ng chaser.

Read also

Ogie Diaz sa umano'y bagong love life ni Barbie Imperial: "'Yan ang aalamin natin"

Marami ang nagular na tila walang kiyeme si Barbie na ininom ang tagay at hindi 'nag-pass' sa iniabot sa kanya ng mga nadaanan ng motorcade.

Sa Showbiz Update ni Ogie Diaz, nilinaw nitong hindi umano siya nandiri kahit hindi na niya alam kung ilan na ba ang gumamit at nakainom sa nasabing shot glass.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Grabe. Hindi ko po in-expect na may nagbi-video pala 'dun. Pero 'yung reaction ko naman po 'nung inabutan ako ng tagay, kasi parang probinsyana rin po ako eh. So sa probinsya namin and fiesta din dun, so pag probinsya talaga 'pag dadaan ka tatagay ka talaga 'pag binigyan ka ng tagay. So parang for me, okay. Tinagay ko talaga siya"

"Hindi po ako nandiri. Parang siguro po 'yung life ko po before, before ako maging artista, parang ganun din sa mga fiesta. So hindi naman po siya nakakadiri sa 'akin," paliwanag ng aktres.

Read also

Jolina, ini-flex ng mister na si Mark Escueta sa Mother's day greeting nito sa kanya

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Barbie Imperial ay isang aktres na unang napanood sa telebisyon nang sumali at maging housemate siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition.

Una siyang nabigyan ng lead role sa teleseryeng 'Araw-Gabi' kung saan nakatambal niya si JM De Guzman.

Samantala, huli niyang nakarelasyon si Diego Loyzaga na isa ring aktor sa Pilipinas. Anak siya ng mga kilalang artista rin sa bansa na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Nang makabalik si Diego mula sa bakasyon niya sa Amerika, nag-usap sila ni Barbie ukol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon.

Minsan na ring naidetalye ng online personality na si Xian Gaza ang umano'y dahilan ng hiwalayan nina Barbie at Diego.

Matatandaang nito lamang Pebrero, inamin mismo ni Barbie na tapos na ang relasyon nila ni Diego na tumagal din ng ilang buwan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel