Boots Anson Roa, ayaw na umano sa diktadurya; "Ang presidente ko ay si Leni Robredo"

Boots Anson Roa, ayaw na umano sa diktadurya; "Ang presidente ko ay si Leni Robredo"

- Nagpahayag ng suporta kay VP Leni Robredo si Boots Anson Roa-Rodrigo

- Isa umano siya sa mga nakaranas ng hirap sa panahon ng Batas Militar at diktadurya

- Ayaw niya umanong danasin ng henerasyon ngayon, at maging nila ang hirap na naranasan sa loob ng 20 na taon

- Ito umano ang dahilan niyan kung bakit sumusuporta kay Robredo na inilarawan niyang 'tapat'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naglabas ng video ang veteran actress na si Boots Anson Roa- Rodrigo kaugnay sa pagsuporta niya sa kandidatura ng pagka-presidente ni Vice President Leni Robredo.

Boots Anson Roa, ayaw na umano sa diktadurya; "Ang presidente ko ay si Leni Robredo"
Photo: Boots Anson Roa- Rodrigo
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa naturang video, inilahad niya ang dinanas sa tinaguriang 'golden age' ng Pilipinas na panahon umano ng diktadurya.

Aniya, isa siya sa naniwala noon sa inakalang disiplina subalit nasaksihan din niya umano ang pagbagsak noon ng ekonomiya ng bansa.

Read also

Andrea Brillantes at Ogie Diaz, nagkasama sa Kakampink rally sa Pasay City

"'Yung gutom at kawalan ng trabaho. Naranasan kong magkaroon ng mga kaibigang bigla na lang nawala. Mga simpleng tao, yung iba natagpuang patay. Karamihan, hindi na nakita," paglalarawan niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman tanong niya, "Kakayanin mo ba? 'Yung mahigit 20 taon na hindi ka sigurado kung buhay pa o wala na 'yung mahal mo sa buhay? 'Yung hindi ka manlang makapagpaalam dahil wala kang bangkay na ipinaglamay o inilibing."

"Mga apo, sana hindi ninyo maranasan. Sana hindi na natin maranasan muli,"

"Nobody recovers from that pain," ang mabigat niyang pahayag.

Dahil umano rito, si VP Leni Robredo ang kanyang sinusuportahang presidential candidate. Nilarawan niya itong 'tapat' at siyang magpapabago ng Pilipinas.

"Ngayong 2022, ang presidente ko ay si Leni Robredo"

Narito ang kabuuan ng pahayag ng batikang aktres na ibinahagi rin ng YouTuber na si Honey Ninz:

Read also

Regine Velasquez, naging 'taga abot' ng regalo kay VP Leni sa Pasay rally

Isa ang veteran actress, editor, columnist at lecturer na si Boots nson Roa-Rodrigo sa mga nagpakita ng suporta sa kandidatura ng pagka-presidente ni Vice President Leni Robredo.

Sa birthday rally ni VP Leni noong April 23 sa Macapagal Avenue, nagulat ang publiko sa biglaang pagpapakilala kay Vice Ganda bilang isa rin umanong 'Kakampink.'

Itinaas din ni Vice ang kamay ni VP Leni bilang pag-endorso niya rito. Ilan pa sa mga kilalang performers na boluntaryong nakisaya at nakiisa ay sina Regine Velasquez at mister nitong si Ogie Alcasid, Maricel Soriano, Gary Valenciano at nasa 60 pang mga nagtanghal.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica