Andrea Brillantes at Ogie Diaz, nagkasama sa Kakampink rally sa Pasay City

Andrea Brillantes at Ogie Diaz, nagkasama sa Kakampink rally sa Pasay City

- Nagkita at nagkasama na sina Andrea Brillantes at Ogie Diaz sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' sa Pasay City

- Nagkausap na ang dalawa at nilinaw na wala silang 'galit' sa isyu ng umano'y panunugod ni Andrea sa dressing room

- Ayon kay Andrea, may CCTV ang naturang lugar na siyang magpapatunay na walang katotohanan ang panunugod

- Matatandaang sa live ni Andrea matapos ang rebelasyon nila ng relasyon ni Ricci Rivero nabanggit niya ang muntik nang paghabla sa 'reliable source' na nagsabing nanugod siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagkaharap na sina Andrea Brillantes at Ogie Diaz sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' sa Pasay City noong Abril 23.

Nalaman ng KAMI na nagkita ang dalawa sa dressing room ng nasabing pagtitipon.

Andrea Brillantes at Ogie Diaz, nagkasama sa Kakampink rally sa Pasay City
Andrea Brillantes at Ogie Diaz, nagkasama sa Kakampink rally sa Pasay City (Ogie Diaz Showbiz Updates)
Source: Facebook

"Ate, magha-hi lang ako sa nagpakalat na nanugod ako," pabirong sinabi ni Andrea.

Read also

Andrea Brillantes, naniniwalang makukumbinsi rin si Ricci Rivero na maging 'Kakampink'

Nilinaw din nilang wala silang galit sa isa't isa lalo na at ang sinusuportahan nilang kandidato ay hindi umano marunong magtanim ng galit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi po ako galit. All love tayong lahat, walang galit," ani Andrea sabay yakap kay Ogie Diaz.

"Si VP nga hindi nagagalit, Ako pa yung magagalit 'di ba?" dagdag ni Andrea.

"O ayan ha, malinaw, hindi siya galit sa'kin," ayon naman kay Ogie D.

Matatandaang sa live ni Andrea matapos ang rebelasyon ng relasyon nila ni Ricci Rivero, isa sa mga nabanggit niya ay ang muntik na niyang kasuhan na 'reliable source' dahil sa isyu ng panunugod niya umano kay Francine Diaz.

Nilinaw ni Andrea, na wala talagang suguran na nangyari at tinawagan lamang niya ang kapwa "Kadenang Ginto" Star.

Read also

Boots Anson Roa, ayaw na umano sa diktadurya; "Ang presidente ko ay si Leni Robredo"

"Ang nangyari po, nag-call lang kami pero wala pong sugod na nangyari," paglilinaw ni Andrea. Aniya, may CCTV umano ang sinasabing lugar na siyang magpapatunay na hindi niya sinugod ang kapwa aktres.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na Ogie Diaz at Ogie Diaz Showbiz Updates dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel